42 Các câu trả lời

mommy, made-depress ka pa patuloy na di byenan ang aalaga kay baby. nung una nagkaganyan biyenan ko, di daw ako gusto ng anak ko kaya uniiyak sakin, pangalawang araw palang namin yan sa bahay nila at ang gusto eh sa tabi nya matutulog si baby para daw di ako maistress. eh mas naistress ako sa sinabi nya eh. nagkwento ako sa mga kapatid ko at humingi ako ng payo. ang grandparents ay nanjan apra maging guide lamang. hindi maging magulang. bilang ina, ikaw ang dapat kumalinga at guide lang si MIL. nilakasan ko loob ko at nung hinihingi nya sakin si baby para matulog kinagabihan, ay tumanggi ako at sinabi ko na sa kwarto namin sya matutulog. kailangan mo si baby at kailangan ka din ni baby emotionally. kaya ilaban mo mommy na sayo si baby. iguide ka nalang kamo. pag pumasok ka naman na sa work, si MIL na ang mag aalaga diba. eto lang pagkakataon mo magfulltime kay baby. dapat sulitin mo yan. God bless

VIP Member

What's good sis sa nangyayari..hnd k masyadong pagod sa pagbubuhat pro bilang nanay nga naman namimiss mo anak mo at gsto mo dn buhatin at alagaan..siguro kausapin mo ung asawa mo regarding jan..lalo na sa paninigarilyo..naku mumsh..magalit na kung magalit pero dpt mo un sabhin kasi para sa baby mo un eh..share ko lang.ung matanda sa kapitbahay nmin lage un naninigarilyo, compound kasi kami.pumapasok usok nia sa bintana namin.eh andun baby ko.tlgang nilalabas ko cia at sinasabhan ko.ayun, d n naninigarilyo dun.sa kalsada na cia..katakot kasi mumsh.mag stand ka for your child.mahirap magkasakit.kWawa ang baby

Maiba lang ako mamsh, looking on the positive side mas ok nga na minamahal at tanggap na ni byenan mo si baby. Forget the past na po kasi baka naman nasa denial stage pa siya before na magaasawa na anak nya. Ok din yun na may katulong ka sa pagaalaga ng baby mo, nakakapagod din po yung ikaw lang lahat gagawa lahat for baby. Pwede nyo naman sabihin sa kanya ng mahinahon na mag alone time kayo ni baby. Ang di ok ay yung nagssmoke siya then bubuhatin si baby. Makiusap po kayo na siguraduhin na naghugas ng kamay at nagalcohol bago hawakn si baby. Kung di nyo kaya sabihin ipadaan nyo kay hubby.

For me, ung pag-aalaga po kay baby okay lang naman pwede nyo pag usapan ng maayos. Kc po baka sabik cya s baby. Pero ung smoking and then hhawak s bata kahit anong alcohol mo po jan kahit anong wash mo ng hands and kahit anong toothbrush jan ng inlaws mo hindi po agad nawawala un smoke s katawan ng tao. It stays ng matagal. Alam nyo naman po n 2nd hand smoke is more dangerous. And mabilis po kapitan ng sakit ang baby lalo pag new born pa. Di baleng malaman nila n maselan ako sa baby ko okay lang kesa naman ung anak ko ung magkasakit at mahirapan. NO DEAL!!! 😊 sana po it helps.

magkaiba naman tyo ng sitwasyon pero s ginagawa ng biyenan q mas pabor aq kc nagwo-work kme ng asawa q s grapes farm namin...s ospital p lang sya n ang nagdala pauwi everyday sya ang nag aalaga ibibigay nya s akin tulog na..pero wla naman bisyo ang biyenan q mahjong lang 😂 pag uwi ng bahay kukuhanin n nya c baby pag wla kming trabaho s farm mag asawa..sobrang spoiled nya c baby kung anu ano binibili nya at panay nireregaluhan ng mga gold jewelries at dahil nauwi n kmi ng pinas for good sinusundan nya p din ang paborito nyang apo umuuwi sya dito s pinas twice a year...sana all

Momsh, you have to stand up for your child. Mas malaki problema mo kung nagka pneumonia si baby mo esp 2nd hand smoke. Delikado po yun. Pagnakasakit baby mo, ikaw din naman mamomroblema nun hindi sya. Sus! Kaya dapat talaga nka bukod eh. Kmi nakabukod kmi talaga kahit nangungupahan lang kmi dito sa maliit na kwarto. Ayaw ko dun sa bahay namin, sa nanay ko naman yung problema ko kasi madami critic. Sa biyenan ko naman walang problema, alagang alaga kmi sa bahay ng mister ko pagka pumunta kmi dun.

Cguro first apo nya kaya ganyan biyenan nyo po. Pero advice ko lang po ha kasi kahit mama ko ito din advice sa bago ako nag asawa na dapat may bahay kaming mag asawa kahit maliit lang kasi hindi pwede dalawang reyna ang meron sa bahay kahit gaano pa kayo kasundo. Kasi iba ang patakaran ng biyenan sa ating mga magulang. Kaya mag usap na lang kayong mag asawa at bumukod mas maganda at dalaw dalaw na lang po yong biyenan nyo or ikaw sa kanya.

Kung anak ko yan ipagdadamot ko yan kahit pa sa family ng asawa ko kung ganyan ginagawa. Kahit mag away pa kame ng asawa ko basta anak ko na pinag uusapan. Wag mo hayaan na di man lang makapag alcohol o makapag linis man lang ng kamay o toothbrush pag after manigarilyo yang biyenan mo. It's better safe, than sorry sabi nga nila. Di ako papayag na di ako ang mag alaga sa anak ko lalo na FTM ako. Kung ganyan ugali nila mas okay ng umuwi ka sa inyo.

Your child your riule. Talk to the father of ur child about ur concern then talk to ur m.i.l. kung gano ka delikado ang 2nd and 3rdhand smoke sa sanggol. Regarding sa inis mo dhil sa nalaman mo sknya hindi na un importante. Mas dapat mong pagtuunan ng pansin ung sa 3rd hand smoke. Then kpag palapit palang sa baby mo para kunin awatin mo na. Sabhan mo na ayaw mo. Lakasan mo loob mong sumuway sknya kc anak mo naman yan

Asawa mo ang kausapin mo. About sa problema mo sa byenan mo. Ang amoy ng sigarilyo nakakasama sa bata. Hindi yata nag iisip katatanda na ng byenan mo gusto nya atang my makuhang sakit yung apo nya. At hanggat maari wag mo basta basta pabubuhat kung kani kanino laganap na ang sakit ngayon kaawa ang baby pag silay nadapuan ng kahit anong sakit.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan