Calamity Loan

Ako lang ba mga momsh ang parang naiinis pag nagsasabi si hubby sa parents niya ng tungkol sa finances namin? Lalo na ngayon approved calamity loan ni hubby kaya nai-stress na naman ako. Kasi samin nakatira in-laws ko ngayon at super tight budget talaga kami kaya as much as possible gusto ko talaga discreet lang kami kina MIL at FIL pagdating sa pera kasi pag naririnig nila na may pera kami kung ano ano na pinapabili nila na hindi naman kelangan tapos pag maraming laman ref, grabe magluto si MIL parang laging fiesta sa dami kahit sobrang bilin na namin na magtipid kaya naiinis ako. Minsan magbibigay daddy ko samin ng help pagdating sa pagkain pero di ko naringgan na mag "thank you" man lang sila. May time nga na kinukumpara pa yung ibinibigay na tulong ng daddy ko sa binibigay sa kanila ng mga anak nila kaya gusto ko na bumukod ulit sa kanila kung hindi lang nagka pandemic dahil sobrang affected din talaga finances namin sa mga pabili nila ng kung ano ano. Sinabi ko na rin to kay hubby na wag na sya mag report sa nanay nya ng tungkol sa finances namin kaso wala eh. Ultimo matben ko nga nireport nya. Ending ako na lang nahiya na tumanggi sa kanila kasi alam nila na may pera na ko. Kating kati na talaga ko matapos na tong pandemic na to para makabukod na ulit. Kayo ba mga momsh?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mas okay po talaga nakabukod mamshh. Tho in our case, wala kaming problema both sides ng parents namin ng husband ko. Iba padin ung freedom and control over finances nyo kapag nakabukod. Sa una lang mahirap pero pag nakapag adjust na, eventually manonotice mo ung peace of mind din.