Long post: Makikihinga lang po ng sama ng loob sa byenan :(

Hindi ko alam kung ganun din sa iba pero ako kasi ang basehan ko ay yung magulang ko. Hindi ako perpektong anak at di rin naman perpektong magulang sila mama at papa ko, nag aaway din kami but never ever did i hear from my parents na sinabing “magkaron ka nga naman ng anak na ganyan” it sounds so off for me. Yung mil ko, lagi syang ganun magsalita sa husband ko. To think, one and only child si hubby. Lagi nyang pinagsasalitaan ng masasamang salita na never kong narinig na sinabi ng mga magulang ko saming magkakapatid. Naisip ko, bakit ganun si mil. Kulang na lang isuka ang anak niya. Btw, hindi pariwara ang hubby ko. He’s an engineer by profession and a department head sa kanyang current work. Masipag na anak din naman kasi pag di nakakapagluto na si mil, si hubby ko na gumagawa kasi ako nagbabantay ng baby namin at cs ako kaya di ako masyado pinapakilos muna. Even paglalaba si hubby ko nagawa. So sakin na wife ay masakit madinig sa byenan ko na ganun niya pagsalitaan si hubby. As if walang nagawang maganda. Sinusumbat ni mil lahat ultimo pagpapareview kay hubby for his board exam. Mga momshie, tama ba yun? Nasasaktan ako at naiinis. Di pa kami makabukod kasi may sinesettle kaming loan na nagamit nung nanganak ako. But we have plans on moving out from my in laws’ house. Kasi sobra talaga. Kung sabihan ng tanga ang anak nila over. As in di mo masikmura. Halos palayasin na kami dito kesyo kanila daw itong bahay. Pero yung half ng ginamit sa pagpatayo nito, niloan ni husband ko. And ang room namin now kami gumastos magpagawa. Pero kung pagsalitaan kami as if ni piso wala kaming share. Ang sama lang pakinggan. Sila ang magulang pero di nila maappreciate ang anak nila. What if nag adik na lang anak nila. Kasi ngayon nga na professional, ganyan pa tratuhin ng mil ko. Si fil no problem. Unless masulsulan ni mil pero pag di naman nasulsulan, dedma sya. Taaka sunud sunuran na nga kami kay mil eh. Lahat na pati sa bata sya nasusunod bilang pagrespeto. Nakakasad lang. this year tapos na loan namin. And finally makakapagstart na kami lumipat. Haysss Thank you sa nagbasa. Sama lang talaga sa loob ??

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Tiis tiis lng po.Ako dn biyenan ko grabe parang ang tingin nya sa kin kahapon lng ako pinanganak at isa kong malaking boba.Hindi nmaan sa pagmamayabang e grade 4 ang ntapos nya at ako e graduate ng bachelor degree pero kht n ganon e tingin nya sa kin parang napulot nya lng ako kung saan.yung tipong lht ng kilos ko hinahanapan nya ng maipipintas pati sa mga anak ko soobrang pakialamera.Try mo n lng as much as possible n iwasan sya.Idagdag mo p ang pagka taklesa at bungangera. Basta tiis n lng cguro tyo at isipin n lng natin n hndi habang buhaye mgagawa nya un sa atin.

Đọc thêm
6y trước

Very true. Bungangera is real. Thanks momsh

same tayo. ganyan din amg MIL ko sa hubby ko. palagi nya dina down pati kabuhayan nya. palagi pinapaboran ng MIL ko yung kapatid nya. Mapapahaba lang kwento pero I feel you at nasasaktan ako everytime na ginaganun nya si hubby. Pinagpapasa Dios ko nalang at dumidistansya nalang kami kasi minsan damay yung baby namin na madapa lang sasabihan na lampa at malikot. ansakit kasi pati baby damay. Hugs to you ma, kaya natin to.

Đọc thêm
6y trước

Hays grabe po talaga. Kung iisa isahin ko lahat baka po kulang ang 1week para masabi ko. Kahit iwasan sya po talaga lalapit. At ipipilit gusto. Hayssss. Thanks momsh