38 Các câu trả lời
naranasan ko yan sis, umaga palang susuka na, pati tanghalian at gabi, wala akong gana sa pagkain, pero pinipilit ko parin kumain, buti sa milk ko di ko sinusuka tinatanggap ng sikmura ko, ang ginawa ko maliit lng kinakain ko bsta may laman lng tiyan kasi napapansin ko if parang nadamihan, ayon susuka agad, pati gamot nadamay na.. ngayon minsan nalang ako nasusuka, nagdadala pa nga ako ng lalagyan ng susukaan ko parati sa bag eh :) tas after ko kumain kain ako agad ng candy.. halls na honey lemon.. nakakatulong siya sakin para di na masuka.. #2nd baby #10weekspreggy
Check with your ob. Ganyan din ako before. Almost a week na wala akong kain. Puro water lng intake ko at mga vitamins. Kung meron man ako makain after few minutes susuka ulit ako. When i checked with my ob diagnose ako with hyperemesis. So bedrest ako until fully recovered na sa suka at hilo. But unfortunately bedrest na ko the whole pregnancy. Naka bland diet ako for few months until naka kain na ko kahit papano.
Im 36yrs old ng nabuntis ako ngaun sa second baby ko. 11 years ang gap. Sobrang selan ko din mabuntis. Compare sa 1st na paglilihi ko na di ako nakaranas ng pag susuka, ngaun grabe. Halos naamoy na pagkain at gamot may problem ako. Sabi ng OB ko kumain ng Light meal lng Para di sumuka and dalasan. At least nababawasan ang pagsusuka ko. Wag lng walang laman ang Tyan. Now 18weeks na ito second baby ko.
try to eat small meals, para di po kayo agad sikmurain. tas mag maternal milk po kayo pra nakakuha pa rin po kayo nutrients ni baby. need nyo po kumain lalo n nagdedevelop n sya.. ako din pinagdaanan ko yan mahirp kpg pati panlasa apektado pero wala po tyo choice kung di kumain po tlga ng masusutansya. 12weeks n po ako nababwasan n morning sickness ko po
kaya mo yan mommy! ganyan din ako! im on my 2nd trimester now at nabawasan na din kahit papaano. hindi ako makakain sa kusina namin o kahit sa restaurant kasi selan ko talaga..buti matyaga si hubby magluto ng food mayat maya para hindi ako manlabot kakasuka. laban para kay baby! part of motherhood ya. sabi nga ng mga kumare at nanay ko. God bless you!
Hi sis i think wag mo pabayaan na wala kinakain totally kasi shempre isipin natin ang nutrients na dapat ma i provide natin kay baby. Maybe you can just eat yung food na gusto mong kainin or make it a way like gawin kong shake para malagyan tyan mo sis. Mahihilo ka tala at walang energy kasi wala kang food intake Sana magiging okay ka sis soon.
subrang selan ko po ngayon maglihi compare sa 1st baby ko na isang beses lang ako sumuka nung 5 months na tyan ko dahil sa amoy ng isda. Ngayon kahit anong amoy bumabaligtad sikmura ko . pagsumuka na ako wala ng gana kumain at gusto ko nakahiga nalang subrang nakakahilo at walang gana sa lahat😔masakit din ang buong katawan. 7 weeks pregnant.
Paconsult po kayo sa OB to check po baka kasi hyperemesis na po yan, yan ung tawag s condition more than morning sickness which would need you to take bedrest. Ako kasi nagsusuka suka din more than twice a day, nauseated at wala gana kumaen. Pero we have to eat and drink lots of water for the baby and for yourself.
iba iba talaga ang reaction ng katawan natin during pregnancy. hanapin mo lang kung anung food na healthy ang makakapag comfort ngayon sayo mommy. importante pa din na meron kayong makuhang energy ni baby from food.. manghihina at sasakit talaga katawan mo nyan.. kaya fighting lang
same po may mga times na ganyan ako pero ung pagkain naman po na nakahain minsan sarap na sarap naman ako ,pinapagalitan na nga ako dahil d nagkakakain ,hoping nga po ako na sana naiisip din nila na iba iba tayo ng way ng paglilihi eh ,nakakasama na kac ng loob pag ganon😅
Carissa Mejores