14 Các câu trả lời
ako din po pressured..last month kasi nag end yung contract at hindi na extend kasi nga buntis ako at ka buwann ko na sa susunod na buwan. na pressure po ako hindi dahil pini-pressure ako nang asawa ko at sinusumbatan, na pi-pressure ako kasi hindi ako sanay na walang trabaho at gusto ko syang tulongan.naawa kasi ako sa kanya sobrang aga niyang umalis tapos gabi na sya maka uwi kasi ang layo nang bahay namin sa pinagtrabahoan niya..mga ilang oras din yung byahi.at hindi namn sya mapanatag na di umuwi kasi nga malapit na akong manganak.. naawa ako kasi ang liit nlng ng tulog niya.kaya bumabawi nalang ako, kailangan na pag uwi niya kakain nalang sya at matulog.tapos pagka gigising siya..gigising din ako.at ipag timpla sya nang kapi at ihanda yung mga kailangan niya, tas tulog nalang ako uli pag umalis na sya..kasi umalis siya madaling araw.. sinabi ko nalang sa sarili ko, balang araw makakatulong din ako sa kanya para hindi sya mabigatan kasi nakaawa..kahit ayaw mn niyang sabihin at pangiti ngiti lang sya alam kung nahihirapan sya.
Talk to your husband about your financial situation para malinaw po kung gaano ba kalaki ang kailangan nyo, may nakalaan na bang pera para sa panganganak, etc. Para lang po clear sa inyong dalawa ang financial status nyo as a family. Then if WFH ka man or currently unemployed, as much as possible, prioritize your pregnancy. Sa health mo nakadepende ang takbo ng pagbubuntis mo. In a way, kailangan mo alagaan ang sarili mo, not just for you and your baby, but also because if you are concerned about the money, masmapapamahal kayo kapag may complications kayo due to stress, increased blood pressure, etc. Yang mga yan for the most part, pwede mo alagaan by eating right, and avoiding stress. Iexplain mo maigi sa kanya mommy na even though wala ka masyadong naipapasok na pera, napakalaking trabaho ang ginagawa mo sa pagbubuntis. It's his responsibility as your partner to make sure na ok kayo ni baby. Tatay na sya, he should step up talaga kasi yun ang best way para magampanan nya yung role nya bilang ama.
🥺🥺🥺 virtual hug mamshie❤️nakaka pressured OO lalo na ngaun pandemic kaso ikaw na nga nag sabi diba nag try la mag work kahit WFH. Kaso hirap talaga ngaun ung iba nga nag tatanggalan na e kasi nga sa situation ng buong bansa. Nakaka sad lang ung husband mo na ganyan sau😢🤦🏼♀️ na hindi ka nyandapat sumbatan dahil kahit mag stop ka mag work may reason kasi preggy ka! At kung may dapat mag work at bumuhay sa inyo sya un. Kami ni hubby dahil maselan ako mag buntis nag stop muna ako mag work sobrang hirap and laking adjustment kasi sya lang nag wo work samin lalo na lumaki gastos kasi maselan nga ako mag buntis maraming gastusin pero never ko yan narinig sa husband ko na nag salita ng ganyan sya pa nga nag sabi nalaman nya preggy ako mag stop ako sa work. Kaya ramdam ko ung pressured mo mamshie bakit ganyan ung feelings mo pero wag kang patalo sa ganyang feelings mas makaka apekto yan kay baby. PRAY mamshie un ung the best way na pwede natin gawin🙏🏻❤️😇
Cheer up mommy! Secure your pregnancy first, isipin mo palagi kung anong makakabuti para sa baby mo which is of course yung health and safety nyong dalawa. Dapat alam at naiintindihan yan ni hubby mo. Yung husband ko kasi di tlga ako pinagtrabaho kasi ayaw nyang ma stress ako at 1st pregnancy din kaya ingat na ingat sya. Minsan nakakahiya ding humingi ng pera pambili ng gusto mo kasi di ikaw nagwowork pero my husband always remind me na kaya sya nagtatrabaho para sakin at sa magiging family namin. And I'm blessed to have him as my husband. Praying for you mommy, sana maging maayos din ang lahat. God bless you and your baby! ❤
Yung husband ko naman, sya pigil ng pigil sakin magwork. Di daw kasi talaga safe na lumalabas labas ako baka magkacovid pa ako. Ako naman gusto ko sana magwork, 8 months na tyan ko. Nagleave ako last month. Gusto ko sana bumalik ng work kaso ayaw ako payagan ng asawa ko. 😕 Hindi ko raw need magwork kung magkakacovid naman ako. Sya daw ang lalaki, sya daw ang dapat na magprovide samin ng magiging anak namin. Mahirap kasi sitwasyon ngayon, ayaw nya irisk na magkasakit ako sa labas. Kaya eto nasa bahay lang ako.
Hugs mamshi. Kausapin mo na lang asawa mo mamsh, paintindi mo sa kanya yung sitwasyon mo, high risk ngayon. Tsaka kapal naman ng mukha nyang pagsalitaan ka, ano yon ikaw lang ba mag isang gumawa nyan? Kamo nag take responsibility naman sya sa inyo ng magiging anak nyo. Magagawa mo lang dapat ngayon magfocus ka sa inyo ng baby mo, sa pag bubuntis mo. Pwede ka naman rin maghelp sa pag aasikaso sa bahay, kamo di lahat financially lalo na sa sitwasyon mo. Pasensya na ah, kagigil ganyang lalake e.
Hayy momsh sana supportive din si hubby mo sa mga needs mo especially buntis kapa. Wag mo muna isipin ang work ang mahalaga makaraos ka. Ako naman mommy ang diskarte ko since may pc sa bahay nag try ako mag online, may family business kasi kami ng fire extinguisher ayun sideline ako at gumagawa din ako ng photobook. Sipag at tyaga lang talaga syempre minsan wala dn naman kita pero naiintindihan naman ng asawa ko yun bawi nalang kapag okay na ang lahat. Sending hugs mommy ingat ka po
buti nlang d namn GanYan asawa Ko . sya pa Ung ngpapastop sken sa Work . dapat nga daw matUwa paq. kse nagagalit kapag lage nyaq tatanungin kelan q balak tumigil. .sagOt ko naman skanya alam Mo ba ung feeling ng wala akong naipon tapos my mga bayarin na dapat bayaran. alam mo ung feeling na may gusto kang bilhin pero dmo mabili kase wala ka pera. SagOt nya. anu pala ung Pera Ko? Un nga Daw may asawa akong tao d aq ngIisa bakit ngIisip aq palage ng ganun.🙄.
Indeed mamshie🙏🏻😇 kaya nakaka sad pag may nababasa ako dito na gnyan ung may problem sa mga partner nila😔 lalo ko na feel na Im so blessed talaga dahil di ako ganun. God bless u more mamshie❤️🙏🏻
Momsh don’t pressure yourself. Buti nga may tumanggap na work sayo given na preggy ka, same sakin like 5months na ako nung nagresign then naghanap ng wfh ulit. Ohdiba, tapos leave ulit kasi manganganak na din ako. Nothing’s wrong on prioritizing muna ang baby natin. Kung matanggal ka or di makabalik, I think it’s okay or it’s destined. Basta alam mo din sa sarili mo na, kaya mo makahanap ulit ng work after okay okay na pero choose your baby momsh
Me stress dahil hind aq sinasabhan ng ganyan ng asawa q pro hind kac aq sanay s bahay lng,bawal n kac pumasok s company namin ang buntis.Kya yun naeestress aq pra s sarili q yung bng my gusto aq bilhin pra s magiging baby namin pro tiis tiis muna yung need muna unahin.Pray n lng tyo n matapos n tong pandemic n to.
Same tau mamshie😔 virtual hug🥰💐 PRAY lang tau.. mahalaga wala man taung salary kasi wala taung work may HEALTHY family naman tau lalo na ngaun pandemic malaking bagay na talaga un
Kayin Aishi