IYAKIN

Ako lang ba? Ako lang ba ang may anak na napakaiyakin?? Yung tipong ginawang libangan ang pag iyak ?? Grabe po di ko na alam gagawin ko pagod na pagod na ako mga ka mama. Ayaw magpalapag ni lo. Ginawa din pacifier yung dede ko, meron naman syang pacifier pero ayaw nya.. Nakakatulog lang din sya kapag Karga ko pero yung akma mo na syang ilalapag ayan na naman dilat na dilat yung mata at ngangalngal na naman 😭😭😭 yung iyak pa naman ay kala moy kinakatay. Try ko na mgswaddle, triny ko na din hilot hilotin baka may kabag pero wa epek.. Inis na inis nako sa totoo lang. Bukod sa pagod,puyat na puyat pa ako kasi nahihimbing lang sya kapag sa dibdib ko natutulog 😩😩 pero kpag ilalapag ko na ayan na nmn si bibig na walang tigil 😭😭 Firsttime mom po ako hinge po sana ako ng tips kung ano dapat kung gawin kay lo🙂

20 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Momshie, naiintindihan ko naman na napapagod ka at sobrang frustrating kapag nagtuloy2 ang iyak ni lo. Wg mo cia paiyakin lang ibababa mo then kakalmahin muna sarili mo... Always think na habang umiiyak cia, pumapsok din ang hangin sa tyan nya and mskit ang kabag sa kanila. Baka nga kabag yn kaya hndi tumitigil ng iyak. Try mo po ihele ng dahan dahan ng nakapatayo, ingat lng sa alalay sa batok and balakang nya dhil newborn pa cia. Need lumabas ng kabag. Icheck mo lahat, tingin mo ba busog cia? Kabag? Tap mo tyan if tunog tambol, kabag yan. Or baka may pupu sa diaper?? Plgi muna check, busog ba, kabag, burp and if may pupu. Always think mommy ikaw lang ang inaasahan nya, pano na cia if hndi mo cia aalagaan.. hndi cia nakakapagsalita, pano na cia if maskit pala tyan nya hndi nya masasabi, kya it's up to you to figure it out. Pinagdadaanan ko din yan ngayon pero pag nafrustrate na ko iremind ko lng srili ko na no, ako lang inaasahan nya, hndi ako pwedeng sumuko 😊 madalas kabag ang dahilan ng iyak nila momshie, kasi kada dede satin may pumapasok din na hangin sknila kaya madami tlga hangin sa tyan nila.. need mo yan mapautot. Effective ung anti colic oil (calm tummies) ng tiny buds. Lagyan ko lang tyan nya non ilang mins lng uutot na cia ng uutot. Nabbawasan na discomfort nya, happy baby na ulit cia ☺️

Đọc thêm
Post reply image
4y trước

Cutecute bibi na yan ❤❤❤

Momsh baby ko sinasabayan ko schedule mula paggising hanggang pagtulog try mo momsh ang pagpapattern ng schedule ng LO mo. Baby ko since birth til' now 1month and 17 days di sya iyakin at time consuming. Gigising sya ng 5-7am then paaarawan ko tapos kakausapin ko sya nang nakahiga lilibangin ko sa words ko kasama na dede niya dun kinakausap ko sya habang nadede kasi interactive sya. Then 8:30am liliguan ko sya then try ko patulugin sya kasama na ulit dede. Kipkip ko sya nģ 1hr tas iiwan ko na tulog gising ulit niya 11 or 12 para dumede tas lilibangin ko sya ng usap then iuuli sa loob ng bahay or sa tapat ng bahay. Tutulog na sya nun kipkip ko ulit sya til malalim tulog niya tas bibigay ko sya sa mga tito tita niya hanggang sa makatulog. Gising niya 5 or 6 gising na sya til 8 or 9 then next niyang gising nun mga 3 na para dumede, dedede sya tas tulog ulit kami 7am na ulit tulog niya. Manage mo sched niya momsh magkakaigi kayo ftm din po ako 😊 Hanga po ako sa patience niyo 🤗 kaya niyo yan

Đọc thêm
4y trước

Thanks ma, susubukan ko po yung payo nyo at kakayanin para kay lo 💪💪💪. Tiis tiis lang po talaga kahit papano naliwanagan at gumaan isip ko. Salamat po

ganyan din po kami sa baby namin. mag3weeks pa lang sya. may time na di talaga kami nakakatulog dahil dyan. pero mga ilang araw pa humahaba haba din tulog nya kahit anong gising namin wala syang paki. hayaan nyo lang sya dumede ng dumede, oo masakit. sa 3weeks ni baby malapit nang magsugat left boob ko. kusa nyang inaalis yung bibig nya sa nipple once nasatisfy na sya, meaning busog na sya. lately napansin namin na effective yung patulugin ko muna sakin tapos ibababa ko lang sya then yapos ko. nakadiretso kami ng tulog kahit 5hrs (which is di pa recommend sa age nya since dapat 2hr makadede na sya pero need namin ng tulog both ng partner ko bagsak na kami pareho sa pagod at puyat). may time din na kahit swaddle sya walang epek, nagagalit lang lalo sya. tiis lang po, ganyan daw talaga sa umpisa, ganyan din sa mga kakilala ko. nagtanong tanong na kami gawa ng di na namin alam anong gagawin namin.

Đọc thêm
4y trước

Hmm kakayanin momsh, 💪💪 kaya natin to. 🙂

same tayo momsh dati ganyan din si lo ko siguro ganyan lang tlaga pag new born nag aadjust sila sa environment . tipong naiinis ndin ako kay lo pero after nun nakakakonsensya . ngyon si bby mag 2 months na pero nakakapag adjust nako sa tulog nya , sadyang paiba iba lang tlaga sila sleeping routine . tiis lang talaga mommy kaya mo yan labanan lang antok. try nyo ipitin ng unan mommy pag hihiga nyo sya para feeling nya yakap nyo sya .

Đọc thêm
4y trước

6 weeks si baby ko mamsh. Inis na inis na din ako pero nakokonsensya din ako kasi anong malay ba kasi nila 😩😩

fight lng mami be strong, under kpa ng postpartum depression sna panlabanan mo yn’ kc tau at tau lng ina ng baby ang kakalinga sknila khit hirap na hirap n tau at puyat pray lng n bigyan tau ni god ng katatagan at panlabanan ung pagod at puyat until now mag 7months na c baby ko puyatan prin kme ‘laban lng mami tau lng need nila at tau lng mgppakalma sknila. try to search or watch video s internet if panu pakalmahin at i taking care of ur baby☺️🤗❤️

Đọc thêm
4y trước

Thanks ma, hehe nanunuod po ako pero yung iba wa epek sa kanya. Singer at dancer na po ako araw araw tumahan lang si baby. Yakap at buhat lagi kesa umiyak. Kahit pagod na pagod nako ko tyaga at tinitiis ko nalang po

Ganyan tlga mommy, parte yan ng pagiging magulang, maswerte ka na kung may asawa ka o kahit sino na katuwang sa pagpapatahan sa kanya, pero kung mag isa ka na tulad ko, well, lavan lang😅, tipong sasabayan mo na siya sa pagiyak, habaan pa ang ating pasensya, dahil tayo lang ang meron sila.Umiiyak siya kasi kelangan niya ng comfort na sayo lang niya makukuha.😊. Nakayanan ko (2 y/o) na si baby ko, kaya mo rin mamsh. 💪

Đọc thêm
4y trước

Salamat ma, kahit papano gumaan pakiramdam ko. Kakayanin at hahabaan pa ang pasensya kaya ko to. Hehe 💪💪

Thành viên VIP

Baka po nag gogroeth spurt siya mommy. Usually ang mga batang nasa growth spurt stage iritable ayaw humiwalay sa nanay gusto laging karga o di kaya babad sa dede ilang araw na ganyan tapos mga 2-3 days back to normal na po ulit si baby ☺️. Ilang beses kong naranasan yan. Ngayong 6 months na si baby minsan nasumpong pa ng growth spurt. Kelangan talaga sobrang haba ng pisi natin hehe

Đọc thêm
4y trước

Isang linggo na syang ganito momsh 😩 naiinis ako pero naaawa naman din ako kpg hinayaan ko syang umiiyak.

Ganyan din anak ko nung 6-8 weeks siya hahahaha growth spurt ata yan mommy. Naiinis din ako kasi lahat na ginawa ko ayaw parin tumigil sa pag iyak. Kung papatulugin ko ayaw din matulog. Minasahe ko na tyan ayaw parin talaga. Tumigil din siya eventually pagkatapos ng 8 weeks. Tiniis lo lang talaga at pag naiinis na ko binibigay ko muna sa iba si baby para pakalmahin sarili ko.

Đọc thêm
4y trước

6 weeks po si lo. Ako din mamsh inis na inis ako ginagawa ko nilalapag ko sya at punta muna sa kusina inom tubig pampakalma ..

Hi mommy, same with my Lo. from morning to hapon bihira lang magpalapag to think na2 months at 6.7 kg siya ang sakit sa likod at balikat. haaaay. kesa iyakan ako ng iyakan kargahin ko na lang. pero kapag gabi naman bumabawi siya hehe. kaya keri lang. first time mommy din po ako.

4y trước

Nako momsh kahit sa gabi napakaiyakin. Mag aaway muna kami bago matulog 😩 kaya di ko din maiwasan ang mainis kasi di ko malaman kung anong gustong karga.

Ganyan talaga Mommy, lahat tayo dumadaan sa ganyan, lalo na pag direct latch talaga si baby dumede. Wala ka bang kasama? Kung meron naman pag pagod ka na, paalagaan mo muna sa iba. Delikado kasi yan pagod ka na, baka di mo na maalagaan mabuti si baby.

4y trước

Thanks mamsh, mag iingat po ako at kakayanin kahit mahirap para kay baby ☺