MY BABY BOY KULOT

AEDAN YO TEJADA SANTOS JANUARY 28, 2020 03:21PM CS DELIVERY. January 27, 2020 saka palang ako nag 1cm, eh malapit nko mag due date tas 1cm palang ako, so pinapili ako ng ob ko kung gusto ko na mag paadmit kinabukasan, or sa january 30. so ako pinili ko yung 28 para atleast hindi na ko magwoworry na abutan pa ako ng due date ko. so 28 ng umaga nagpaadmit na ako, 7:30 nagstart lahat and ang tanda ko 4 hours akong naglabor. pero 2 to 3cm palang ako nun, sobrang sakit na talaga as in, yung feeling na ilan oras ko pa mafeel to bago ako mag 10cm? so jng ob ko chineck panubigan ko, pagcheck nya napatanong din sya, asan ang panubigan mo, bakit wala akong maramdaman, meron daw kaso super onti. then sabi nya saken, may possibility na pumutok panubigan ko nang hindi ko namamalayan. nag iiiyak na ko sa sakit then tinanong kami ng asawa ko ng ob ko if gsto ko pa ituloy ung paglalabor ko? or i ccs naba ako. kumbaga dry labor nadaq kasi nangyayare saken and pwedeng may mangyaring masama sa anak namen if nagpatuloy pa ako maglabor ng matagal, knowing na hindi na bumababa baby ko at 2 to 3 cm palang ako. nagdecide na kami ng asawa ko na magpacs na ko, hindi na namen inisip kung mahal ang mgiging bill basta gsto lang namen safe ang anak namen. after deciding na mag pa cs, inayos agad nila yung operation na gagawin saken, tinurukan na ko at nakatulog na ko, paputol putol na naaalala ko dahil antok na antok na ako, nagising nalang ako nung biglang sumigaw si doc saken na MAY TAE NA ANG BABY MO, SABI KO NA NGA BA. at dko alam bigla akog nagising num at pinilit kong idilat mata ko at makipag usap kay doc, tanong ko kagad, safe po ba baby ko may nakain po ba?? and she answered me, okay naman sya pero ioobserved naten sya. then bigla nalang ako nakatulog ulit nun. nagising ako ulit nung dadalhin na sken si baby, para magpadede at skin to skin keme. gsto ko umiyak kasi alam kong may nakain sya dahil sa nangyare, kinakausap ko sya at gsto ko sumagot sya. pero syempre hndi naman sasagot yun. pero nung nakita ko sya, super strong naman sya kaya positive lang talaga inisip ko. then ngayon nakauwi na kami ng asawa ko pero si baby sa feb 4 pa uuwi, bali magstay sya ng 1 week dun. para iobserve sya, dahil sa nakain nyan onting tae nag ka pneumonia at uti sya. tinanong namen pedia nya kung okay naman sya, and sabi naman nya okay na okay baby ko, pero para sure need na maiwan nya dun for observation padin. please pray for my baby mga mamshie. super sakit sa heart na naiiwan sya dun tas di ko sya nakakasama, iyak ako ng iyak pero sabi ng asawa ko lakasan ko daw loob ko. thank you for reading mga mamsh. ???

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan