#advicepls Yun partner ko, hindi gentleman. Pati offensive sya. Pag di nya nagustuhan un luto ko, halos ayaw nyang kainin un luto ko. Tulad ngayon, nagluto ako ng shanghai. First time ko magluto ng shanghai kaya medyo mataba talaga sya na mukhang turon. Pero okay naman sa kasama namen sa bahay (taga alaga ng baby ko) un shanghai ko. Ngayon, nakita nya un shanghai. Pinagalitan na nya ako kanina sa videocall na dapat di daw ako nageexperimento ng kung ano ano. Tapos ngayon pag uwi, gusto naman nya lakasan ko un apoy para makakaen na kasi di daw maluluto sa hina ng apoy ko. Pero ang ending, inuna nyang kainin un tuyo na tira kaninang umaga at di na ko nakatiis pa, tinanong ko sya kakainin nya ba un shanghai. Sumagot lang sya nun time na nakita na nya akong magagalit na. Ganyan yan siya, pag di familiar sa kanya un pagkakaluto, ayaw na niya. Nakakaoffend kasi galing din akong trabaho. Though wfh naman, napapagod din ako kasi kahit may kasamahan kame sa bahay, as much as possible, hands on mom pa rin ako. From the scratch, hiwa, arrange ng ingredients ginawa ko, pero parang ayaw nyang tikman. As if naman na napakasarap nya din magluto e halos anemic na lagi un niluluto nya kasi laging kulang ng lasa. Nakakaoffend kasi pagod ako pero gumawa ako ng way para magluto. Di ba un pwedeng maappreciate. Hindi din sya gentleman, may time na lumabas kame ng store at nauna sya lumabas at binitawan un pinto bago pa man ako makalabas. Ang ending, muntikan na ko mauntog sa pintuan. Napapagod na ko. Lagi din niya akong sinasabihan na ang taba taba ko e pano di ako mananaba e nanganak ako. At masarap naman talagang kumaen. Di pa kame kasal, naudlot un kasal namen kasi namatay mother ko hanggang sa magkapandemic na. Di ko alam if blessing in disguise ba un. Napapagod na ko magmahal kasi parang di naman natutumbasan un. 😢😢😢 Dapat na ba ako makipaghiwalay?
Anonymous