After 1 week po na ano? Teacher po ako sa public at may experience sa private school. As far as I know, hindi po mawawalan ng lisensya ang teacher na nabuntis at ayaw pakasalan ng lalaki. Kung sa mawawalan ng trabaho, depende po yan. Kung sa public po nagtuturo, most likely, hindi. May mas malalalang cases nga po kesa dyan pero hindi tinatanggal sa trabaho o ang lisensya; suspension lang ang binibigay nila. Pagchichismisan nga lang kayo ng mga Marites at posibleng i-chismis din kayo sa taga-ibang school. Kung sa private school, lalo na po sa catholic, mataas ang chance na matanggal kayo. Kahit nga pananagutan ng lalaki basta hindi pa kasal ang teacher na nabuntis, pinapaalis nila.
Anonymous