8 Các câu trả lời
naglalaway, laging gusto may nginangatngat, tapos check mo yung gums (gilagid) nya may pamamaga kasi uusbong yung ngipin. sa ibang baby nilalaganat at nagtatae. so far sa baby panganay ko di naman nilagnat o nagtae. iritable lang sya at nagngangatngat ng kung anong mahawakan nya.
Usually ang teething signs are fussy si baby, madalas maglaway, gusto lagi may sinusubo, namamaga ang gums at may makikita ka rin na white specs on gums pag erupting na ang tooth ni LO.
check nyo po gums ni baby. pag medyo maga, sign po yun na malapit na magerupt ang ngipin. pag teething din mahilig magsubo subo ang baby.
Namamaga ang gums nya pag kinapa nyo po may mararamdaman kayong matigas. yung iba naglalaway po at humihinang dumede at kumain.
Madalas maglaway, laging gusto may nginangata, yung minsan lalo na mga matatanda sinasabi lalagnatin and magtatae
Madalas mag laway si baby tapos subo ng subo minsan fussy
Makikita mo yan sa gums nya mamsh
Naglalaway sis un ang common