Always remember that God is in control. May plano sya para sa atin na di man natin maintindihan bakit nangyayari lahat ngayon pero darating ang araw marerealize din natin yung reason ng kung bakit nangyari ang nangyari na. Alam ko pakiramdam ng mawalan ng anak, nawala din first born ko 7mos ago. 24days old lang sya. Make yourself busy. Wag ka mag-isolate palagi kasi di yun makakatulong sa pagrerecover mo. Isipin mo na lang na nakatingin palagi sayo si baby from heaven at hindi nya magugustuhan na makitang nalulungkot ka dahil sa pagkawala nya. Laban lang po, ituloy natin ang buhay. Sa una mahirap pero darating ka rin sa point of healing na kung saan masasabi mo na that you are truly blessed kasi nabigyan ka ng chance na maging mommy ng isang angel. 😊 Cheer up mommy. Be strong. Nawala lang sila physically pero di sila mawawala sa puso at isip natin.
Condolences sis. Napakasakit ng pinagdadaanan mo ngayon at walang anumang salita ang makakapagpagaan agad ng loob mo. Ang maiiadvise ko lang eh ipagpatuloy mo ang pagdadasal mo kay God, humingi ka sa Kanya ng lakas at tibay ng loob para malagpasan mo yang pinagdadaanan mo ngayon. Wag kang panghihinaan ng loob, laban lang sis, isipin mo na lang na nasa piling na ni God si baby ngayon at pinapanood ka niya. Hindi masamang umiyak at malungkot pero wag mong pababayaan ang sarili mo. At dapat kayo ng partner mo eh icomfort ang isa't isa, wag nyong hayaan na mag-isa kayong lalaban. Pray palagi.
Sorry for your loss mie... Lagi mo iisipin na hindi kinukuha ng Diyos ang buhay ng isa. Pag-ibig ang Diyos at sakdal sya. Kahit kailan di sya gumagawa ng ikakasakit ng loob natin tulad nga nangyari sayo -Job 34:10-12. Kaya nga maaasahan mo sya palagi sa lahat ng pagsubok na pinagdaraanan mo at makakaasa na nalalaman nya ang iyong pagluha at pagdurusa.
salamqt
magpray ka lang lagi sis.wala man kami sa posisyon mo pero ramdam namin yung sakit ng mawalan ng mahal sa buhay.wag kang susuko sis.may dahilan si Lord kung bakit mo pinagdaanan yan.hindi man natin maintindihan sa ngayon yung dahilan,darating din yung panahon na malalaman din natin kung bakit.
salamat momsh
condolence po .. iiyak mo po yan para gumingawa po pakiramdam mo po .. wag k po pang hinaan ng loob,hindi k po nag iisa,my awa dn po c lord,siguro dpa ngaun ung para sau .. pero wag k mag mag alala, my darating pang bb mo po na makakasama mo hanggang sa pagtanda☺️
salamat po mommy
thanks po
Anonymous