advice naman mga mommy.. preemei ang baby ko.. halos 6months lng sya ng nilabas ko.. now turning 1yr old n sya.. gusto ng daddy nya mgparty kame pero gusto ko simpleng handaan lng kase medyo hikain din c baby.. require ba na mgcelebrate ng 1st bday?? thank u..
Depende sainyu n hubby mo kung anu decide nyong dalwa kailngan kc pag ganyan magkasundo kyu sa desisyon parehas kc mhrap tlga pag yung party sa bahy gahul gahul k sa bisita at oras pero pag sa mga fast fastfood wla kna alalahin dun cla n mismo mu mag aayus at 1 year old yung bby m khit simpleng celebration lng ng buong family mo ok na at specialy picture taking pra may remembrance c baby.
Đọc thêmNd nmn sa handa nakikita yan mommie.. isipin mo if mag papa party ka.. syempre maraming taong gusto makita c baby sa kundisyon nia baka d kayanin ang heavy activities at celebration ng birthday nia.. family friends bonding n lng.. mahalaga sama sama kau family... thanks god sa blessing.... ung bongga bongga mommie d nmn required yan pagod at gastos lng makukuha mo...
Đọc thêmHindi naman required kasi nasa sayo naman yan. Pero for me, as a parent, gusto ko i-celebrate ang first birthday ng anak ko as memorable as possible. Lalo pa nabanggit mo na preemie baby sya, so para sakin it's a celebration and thanksgiving of life kung maghahanda man ng bongga.
For me, ok lang na paghandaan ng husto kasi first birthday yan e. To think, hindi din biro ang pinagdaanan nyo ng baby so parang way of celebrating dahil from preemie, ngayon 1 year na sya. Pero it's still up to you kasi sa preference and budget yan mainly nakasalalay.
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-23791)
Hindi sya required. If worried ka na makasagap ng virus si baby during the party, explain mo nalang sa husband mo. Pwede naman maghanda kayo ng family lang. O kaya magpaphotoshoot.
Technically hindi naman need ng birthday party kapag 1 year old. May kakilala nga ako na nag photo shoot lang sila sa Luneta nung mismong birthday ng bata e. Yun na yun.
Hindi naman po need talaga mag handa. Kahit nga po labas lang kayong mag anak at sumimba ay ok na lalo na kung mejo tight po sa budget.