9 Các câu trả lời

May pag asa pa, mommy. Ganyan na ganyan nangyari sa baby ko. Tipong naka-kundisyon na isip kong masi-CS ako kasi nga 8 months suhi pa rin. Aba, the following week sa checkup ko cephalic na siya 😊 Nagdasal lang ako mommy, saka kinakausap ko lagi si baby na ikot na siya kung safe pa at 'di siya mako-cord coil. Pero kung masasakal siya or delikado na or wala na talagang space, sabi ko sa kanya okay lang kahit ma-CS ako.. basta buhay siya at safe siyang mailabas. Sinubukan ko rin 'yung nagpapatugtog at pagpapailaw sa may puson, pero hindi consistently (makalimutin eh😅). Ayun, kausapin mo lang mommy saka pray ka. Dagdag ko lang din pala na regularly ako naglalakad, mga 30-45minutes a day, 3-4 times a week. Light walking lang na exercise saka konting household chores.. 'wag mo naman sagarin mommy baka ma-preterm labor ka mapaaga ka manganak. Sana nakatulong.

VIP Member

Yes po. Help yourself mommy and baby. Hanggat hindi pa umaabot ng 35-36 weeks or malapit sa full term mo as long as hindi malaki si baby. Nood ka YouTube mommy, pwede mo sundan yung mga ways on how to flip baby po, madami dun pero consult ob muna if hindi ka high risk. Praying po. 29weeks ako nakabreech si baby then nung last check up ko 34weeks nakacephalic na, ginawa ko, tuwad, inom ng maraming tubig, proper posture para enough yung space ni baby na umikot, pasound and ilaw sa may part ng puson. Now nasa 36weeks nako and hoping na nakapwesto parin si baby.

iikot pa yan mommy basta kausapin mo lang sya at magpatugtog ka lagay mo malapit sa puson mo sa baba pag nakahiga ka. Ganyan ako noong 8months, ngayong 9months ok na cephalic na sya mommy pwede na daw akong mag normal delivery this September☺️☺️

may nag advice po sakin mamsy na mag bed rest ako then sa left side ako humarap . nakatulong yun sakin ngayon normal na position ni baby 😊 naka tulong din yung pag sasayaw ko 😅

TapFluencer

ewan kolang po kung effective pa po for 8mos kasiako nung nalaman ko pona suhe si baby nag ganyan na po ako every morning at 5mos

VIP Member

Pray ka lang po mommy at kausapin mo po si baby lagi. Tapos patugtog ka po sa ilalim ng puson para sundan nya ung music dun

Sa tingin nyo po iikot pa kaya sya oct.26 duedate q...Nag aalala na ako baka ma cs ko.😢

Opo ako po 34 weeks si baby ko nalaman ko umikot na pala sya. Cephalic na sya mamsh patugtog ka music mamsh sa baba puson po tapos e flashlight mo tyan mo sa may puson para sundan nya tas medyo lakad lakad. Ganun lang.

Try mo po lagi sya kausapin at patug tugan ng magandang sound na pang baby sis,

VIP Member

depende po sa laki ng baby nyo mam :)

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan