Bakit naman po 7x na? Naiiwan ba lagi si baby sa kama mag-isa? Kung may times na iiwan nyo yung baby kasi may gagawin kayo at walang bantay, mas maigi na maglatag nalang kayo sa sahig para kahit mag roll sya or what okay lang.
Seryosohin nyo po yung mga ganyang bagay, may kakilala ako, yung baby nalaglag din sa kama at medyo mataas yung pinagmulan, ayun nagkadeperensya. Di ako nananakot, maging cautious po tayo para sa baby natin.
- kapag unconscious si baby at may vomitting also yung arms and legs jerking, sugod nyo na po sa E.R
-kapag umiyak at active pa rin, observe nyo muna ng 24 hrs.
- kapag kakaiba na yung pagiging sleepy nya, trust your instinct na sugod na sa ER.
Mrs. Lena