182 Các câu trả lời
akin naman po since malaman namin na preggy ako, yung jowa ko na naglalaba. Plus di naman naghe-hesitate ibigay sakin lahat ng sahod since masyado kasi siyang magastos. so ako naghahawak para magbudget.
yes po pero wag po sana mag laba masyado, patulong po kay hubby. kahit siya na sa laba kayo naman po sa sampay. ganun po ginawa namin nun kasi di ko kaya yung matagalang paglaba kaya taga sampay nalang ako.
Naku mommy baka po mabinat kayo, un hipag ko dati nakunan kc madalas sya maglaba..maigi ngang sa lababo ka po maglaba para nakatayo kaso nakakangalay din un or ask help sa hubby o kasama nyo sa bahay
Yes nag lalaba ako pero hindi handwash tingin ko hirap pag ganyan. Pa help ka po pag ung feeling mo d na tlaga kaya, kc may nag lalabor ng premature lalo na pag nasobrahan ng pagod sa gawaing bahay.
ako momshie hndi ko naranasan. nung nag 5months yung tyan ko bumili na agad si hubby ng automatic na washing machine kasi ayaw nyang napapagod ako. madalas kasi sumakit yung balakang ko nun.
ako din pi nag mano mano nag lalaba pero ang ginagawa ko ang inuupuan ko is ung monoblocks tas ung planggana naka lagay sa.lamesa para di ako mangawit at pag aalisin ko ung tubig tabo ang gamit ko
Ako din po nglalaba din kahit nung kabuwanan ko na.. bz kc c hubby..ginawa ko po nakatayo po ako mglaba para ndi maipit c bb..ipatong mu sis sa lamesa or lababo lalabhan mu para ndi ka mahirapan
Ako po kc wla nmn ibang maglalaba ng mga damit ng anak ko kc wala nmn po akong asawa ksi iniwan na ko kaya kahit kabuwanan ko na ngaun gora pa din sa lahat ng gawaing bahay 😄😄
Same here
Yep ganun din ako pero may washing machine smen. Nahihirapan lng ako sa pag banlaw kse payuko yuko at ang hirap umupo. Pero Iniisip ko na lng na advantage para ndi ako mahirapan sa panganganak
Yep 9 months and 6 days na ang titan ko still naglalaba pa rin ako though nakawashing machine ung pagaanlaw nakaupo.. Nagpapahinga tapos itutuloy ulit.. Nangangalay po kasi balakang at nanakit
Jowanie Stanley