Positive Or Negative
8 days delayed po ako. Nagtake ako ng PT kaninang umaga (7:50am). Before that, uminom ako ng dalawang basong tubig (5:50am). May nabasa ako na pedeng may effect daw yung pag inom ng tubig kaya malabo yung isang linya. Tingin nyo? Positive ba o Negative? May experience na po ba kayong ganito? Masyado bang maaga na nagtake ako ng PT?
Positive sna yan sis ganyan din ako nung nqbuntis ako sa baby ko sobrang labo nung isang line sigiro dahil masyado pang early try mo po ulit after 1week pero ingat napo kayo
mommies ask ko lang, ano po pwede gawin sa manas 29weeks pregnant po. Kasi manas na po yung paa ko pati daliri, mag 8 months second week ng april. First baby po. Salamat
ganyan din saken dati, delayed ng 1 week ung mens ko. malabo din ung isang line nung unang PT ko. then after few days repeat PT ako, positive nga siya. congrats po
Positive yan. Masyado lang maaga ka nag pt. Take ka ulet pt mga after 2 weeks or 1 week Wag kana uminom ng tubig basta yung unang ihi mo sa umaga yun gamitin mo😊
Đọc thêmIt's an early pregnancy. Talagang malabo muna ang isang line. But it's positive. Ganyan kasi pinakita ko sa OB ko and she said early pregnancy tawag diyan.
dapat po di kayo uminum ng tubig bago mag PT kasi hindi na concentrate ang ihi mo nun di na madedetect if pregnant ka nga tlaga , try mo ulit
Positive yan ganyan sakin nung 1 week delayed, I waited for another 2 weeks tapos ayon super linaw na. Pinacheck up na agad ako ni husband
Positive po yan. Ganyan din first test ko, then kinabukasan nagtest ulet ako para sure mas malinaw na yung second line. :)
Ganyan po ung pt ko nung january 29..Faint line ung isa tapos feb 1 nag pt ulit ako mas malinaw na ung isa..6 weeks preggy na ako ngayon.
Very faint line pero parang positive. Try mo po ulitin after a few more days baka mas clear. Yung sakin, 4 days delayed pero malinaw na.