5 Các câu trả lời
Hello. Kailangan mo ng support from your first family kapag hiniwalayan mo asawa mo. Unfortunately hindi nila maibigay. Kailangan din ng support ng 2 years old son and 7 months (pregnancy) baby mo. Kapag namatay ka, isipin mo, hindi ka magawang soportahan ng first family mo paano pa kaya anak mo? Yung husband mo for sure may nangyari ring hindi maganda kaya ayaw mo na sakaniya, pag namatay ka confident ka bang maiiwan mo anak mo sakaniya? Dumarating talaga ang point na parang mas gugustuhin na lang natin na mawala kesa harapin pa ang problema natin. Okay lang makaramdam ng mga ganyan lalo na at buntis ka dala na rin yan ng hormones. Okay lang maglabas ng sama ng loob. Okay lang malungkot. Okay lang manghina. Malulungkot, mai-stress, magagalit pero hindi dapat sumuko. Esp may dalawang buhay rin na umaasa sayo. Wag mong gawin sa anak mo ang ginagawa ngayon ng pamilya mo. Hindi sinusoportahan. Bagkus dapat magsumikap na huwag gawin ang mga pagkakamali nila sa sariling mong mga anak. You are not ready to go. Nasasabi mo lang na ready ka dahil sa sakit ng nararamdaman mo. Kailangan mo ng ibang mapagkukunan ng support and strength, at dahil hindi mo makuha sa pamilya mo, kuhain mo na lang kay God. Much better kung kay God. Pray for strength, and provisions.
Lakasan mo loob mo sis, mas lalo kang kumapit kay Lord kapag ganyan, siya ang mas higit na malalapitan mo kapag ramdam mo na walang makakaintindi sayo. Para sa anak mo na din po mas lumaban ka!
Hello how are you doing? Sana ikaw ang maging lakas ng anak mo at maging malakas ka para sakanila. Darating ang araw at ikaw naman ang masaya. God bless and keep the faith ❤️
Mommy magtiwala ka kay Lord na pagagaanin nya loob mo at lahat ng bigat sa puso mo. Mag pray ka lagi kasi si Lord dika tatalikuran. Isasama din kita sa prayers ko 😊
selfish. di mo na inisip mga anak mo na mawawalan ng nanay pag namatay ka.