skl
7 weeks pregnant ako pero kaninang umaga may nakita akong brown dun sa panty ko after nun naligo pagpalit ko ng panty may dugo na sya na tumulo dugo na malabnaw. Then pumasok na ako sa work pagdating ko umihi ako tas ayun spotting na medyo madami diko pinansin after ko mag assemble sa work naramdama ko may tumulo naiyak ako sa part na yun. Kasi diko alam ano nangyayare kaya pinauwe ako. Pagdating ko sa ospital ie ako tapos pa ultrasound daw kaso wala naman ultrasound. Ang nangyare pag uwe ko bleeding ulit ?
Kailangan niyo pong ma-ultrasound, mommy. To make sure na andyan pa si baby at okay lang siya ☹️ Please gawan niyo po ng paraan makapagpa-ultrasound, for your baby's safety and yours. Nangyari rin sa akin 'yan, mismong Valentine's Day dinner pa namin ng partner ko dinugo ako at may laman pang konti. Iniwan talaga namin dinner namin ora mismo at dumeretso sa ospital. Subchorionic hemorrhage lang sa akin noon. Pinainom ng pampakapit at pinag-complete bedrest for a week (ginawa ko nang 2 weeks). Nalampasan naman namin 'yun momsh at mag-7 months na kami ni Baby ko nyan. Kalma ka lang 'wag kang iiyak ng iiyak, kasi emotional stress ang isa sa tingin kong nagpalala ng bleeding ko noon. Gusto kong humagulgol noon sis pero tinatagan ko loob ko.. iniisip ko noon kapag umiyak ako, mawawala sa akin ang baby ko. Please pa-emergency room ka at ultrasound ASAP.
Đọc thêmPaultrasound kna sis..pra masure mo anjan p c baby kc ako 6weeks or 7weeks ata nun ngbleed...akala ko naihi ako un pla dugo sobra ako ntkot as in umiiyak nko kc pgupo ko s bowl my lumaglag n buo dugo kya ngiiyak nkmi ni hubby..kya punta agad kmi s oby,tnx god ok.baby ko fullbedrest ako 2weeks den until 4months baby ko umiinom ako pampakapit,6mons.baby ko muntik nko maubusan ng tubig kya nconfine ako..7mons.bleed ulit ako den nging ok.n ulit bedrest lng..2weeks ago ngbleed ult ako..ntakot ako kc akala ko maeemergency cs ako kc 31weeks plng baby ko buti ngstop bleed ko at healthy nmn c baby..now going to 34weeks nkmi we pray n mhinty ng baby ko due nya...Dmi nnmin pingdaanan pero malakas baby ko kya sbi nmin pra smin tlga to😊 SKL
Đọc thêmganyan din yung akin nun mas malakas pa nga mag totwomonths palang akin nun akala ko normal na regla lang tas sumasakit puson ko nun pagtayo ko nagulat nalang ako biglang bumulwak yung dugo ang dami as in sinugod din ako sa hospital nun ie din tas ultrasound safe naman baby ko nun pinainom ako pampakapit tas 3 months ako nagspotting ako ulet kaso onti nalang now 16weeks preggy na ko. kailangan molang talaga mag pahinga wag ka maggagalaw bedrest ka para hindi lumala yang spotting mo ayan din payo sakin ng doctor
Đọc thêmmamsh need mo mg paultrasound para mlaman mo ung lagay ni baby baka mababa sya need mo pampakapit ganyan kc sken nung 8 months lng ako ehh,,as in ng bleeding ako ng marami tumatagas n hanggang binti ko,,mababa pla baby ko kaya total bed rest ako hanggang 5 months,,
Please padala kana sa hospital, hindi ok ang ganyan...dati sakin brownish lang lumalabas sabe ob ko nag sspotting na ako 8 weeks sakto nawala si baby. nakakabahala yung lumabas sayo blood talaga na may buo pa..keep safe sis
Bakit ka umuwi ng hindi nagpapa-ultrasound?? Sorry, pero nakapa-iresponsableng gawin yan. Sana nagpunta ka sa ibang hospital or maternity clinic. Ano ka ba naman, hindi sa tinatakot kita pero pagdasal mo na okay lang si baby
need nyo po tlg mgpachek up s ob nyo... ng gnyan po me pero hndi red, kulay brown lng. napag alaman nmin n mtaas pla pus ng uti q kya pinainom me ng antibiotic n safe nman ky baby ska pampakapit ky baby
Sana di ka nalang pumasok sa work kung alam mo naman pala na nagbleed ka na. Yung mga ganyang weeks maselan yan. Meron naman ibang clinic na open para maultrasound ka. Kung gusto may paraan.
Ganyan din po ako dati nung 7 weeks pregnant ako.. Ang sabi lang po sakin nang OB pagbabawas lang daw po yun.. Pero ngayon okay naman na po ako and 28weeks pregnant na po ako ngayon 😊😊
Mas marami pa po yung dugong lumabas sakin nun kesa sainyo po.. Akala ko nga po malalaglag yung baby ko ehh.. Pero awa naman po nang diyos hindi.. Kunting ingat lng po ate at mag relax ka😊
Ako sis 6weeks dati nakunan nag bleeding. Nag ospital ako nakunan tlga ako. Pero after 1month pregnant ako ulit ngayon 10weeks na doble ingat na. Di pwde ma stress mapagod bedrest lng mona
Salamat sis sa pag sagot..and congrats♥️😘and tanong ko lang ulit naraspa kaba nun makunan ka?ako kasi hind naraspa kasi lumabas naman lahat,musta naman sis ang pregnancy mo now?hind maselan?ako kasi natatakot ulit ako..dahil naka dalawang miscarriage na ako eh..