7weeks pregnant pero wala pang embryo na nabubuo😢 Normal po ba yun?
7 weeks na po akong buntis pero sabi samin ni doc sa last check up ko wala pa daw nabubuong baby😢 expected daw po kasi na dapat meron na tsaka naririnig na yung heartbeat nya.. lumaki naman daw po yung bahay bata pero yolk pa lang daw po nakikita.. babalik pa po kami after a week para macheck if may pagbabago.. meron po ba dito na nakaexperience ng same scenario? salamat po.. UPDATE!! nagpa2nd opinion po kami kanina (10-22-24) sa ob-sonologist and may nakita pong embryo at heartbeat si doc😊 and base po sa kanya 6weeks 1day pa lang po si baby.. salamat po sa lahat ng mga mommies na nagcomment and tumulong samin kung ano ang mga dapat gawin.. maraming salamat po😊



