10 Các câu trả lời
Hi Momsh. I feel you, nakakapanghina talaga kpag di kumpleto ang tulog. Di ko na na eexperience na sobrang dami ng gising ng baby ko so i share ko na lang sayo yung mga ginawa ko to train my baby to sleep.. Nung una, what we did was punasan siya at palitan ng mga fresh clothes and diapers para presko. Tapos during feeding time namin (around 6pm na to) I tell my siblings not to make to much noise kasi nagrerelax na ang baby. Nagpapatugtog din ako ng white noise o kaya hinehele ko si baby.
hello mommy. sa tingin ko dapat po wag nyo sya msydo ptulugin during daytime. nap lng po then laro pagurin nyo po,pra sa gabi mhmbing po tulog. ako sa 6mos old ko same routine kmi plgi, 11pm - 8am tulog(naggsing lng dede sa mdlng araw) then by 10-10:30am ligo after nun nap sya. tapos laro, sa hapon mga 3pm nap po uli then laro dede 6-7pm iidlip pa po sya tapos yun 11pm na po ulit pinakamhba nyang sleep until mornin. EBF dn po. kailngan msanay lng po sya na may sleeping pattern
Very important din na maging sensitive ka sa sleeping pattern ni baby, meaning to say, sabayan mo antok niya..pag naghikab na, dede then hele na..also, I find it very helpful na sundin ang body clock ng baby, mag establish ng sched ng nap times during the day at same time sa pagtulog sa gabi. Ang baby ko sleeps at 6pm sharp. Every day wala kming mintis because yun ang habit niya, matulog ng maaga. I also dim the lights.
Dati totally patay ang ilaw pero nung medyo lumalaki na siya, napansin namin na during feeding sa gabi, nagigising din siya na sobrang naiiyak, natatakot pala sa dilim. Natuklasan namin to because we experimented na maglagay ng night light, nakatulong yun ng mahusay. Baby sleeps well na and if ever he wakes up for feeding, di na siya naiiyak kasi di na madilim..
Now baby ko sleeps still at 6pm at magigising na ng 6am. Ang feeding time ko lang ay 10pm at 2am, with no crying at all. Kapag nga malamig, diretso na tulog niya eh..morning na magigising. I hope this helps. 😊 God speed Momsh! Practice ka lang ng sleeping sched para masanay si baby.
Baka po kinakabag sya or may masakit po sknya or di sya komportable or baka naiinitan po. Observe nyo po mabuti ung kilos nya at kung ano po ung nakakapagpakalma sknya and at the same time observe nyo din po ung pinagtutulugan nya kung tahimik ba malinis komportable at presko.
ebf din ako Kay baby till 9-10mos and ganyan siya. hanggng Ngayon n mixed n ko sa knya naggising pa rin siya sa madaling araw. . nabawasan n nga lng. 1yr and 4mos n baby girl ko.. haha tiis lng mommy. lilipas din yan
ff
ff
ff