Pregnancy, 1st trimester
6weeks pregnant. Pang 7th na today. Kaso wala pa daw heartbeat si baby nung 1st check up ko. Kaya niresetahan ako ng vitamins yung progesterone na pinapasok sa pwerta. Na-aanxiety po kasi ako kasi bat wala pa po heartbeat si baby, eh 6weeks naman na po nung unang check up namin. May kaparehong case po ba ko dito? Please pray for my baby.
hi mommy Buti nga yung sayo kita na embryo yung sa akin nun nakita palang yolk sac wala pang baby.. kaya pinabalik ako after 2weeks Yun saka lang nakita si baby at may heartbeat na... pray lang palagi mommy at think positive... btw si baby ko 1year old na siya 🥰 haha Yun wala pa dati sa transV eto na napaka cute at bibo na baby boy
Đọc thêmSame here. kaka paultrasound my yolk pa lang nakita wala pa dn heartbeat sabi ni doc balik dn dw ako after 2 weeks . My spotng ako kanina ..ngaun naman meron na buo dugo lumabas.pls pray for my baby🙏
same sis 6 weeks din ako nagpatvs nun after 2 weeks nagpafollow up ako ng tvs meron na heartbeat baka late lang sis ung development nya wag ka po muna magpakastress kakaisip
ganyan den saken wala pa. wait pa 2 weeks kaso ndi na ko bumalik. kapos sa budget. pero nGaun 3 months na sya at ramdam na ramdam ko na sya. sa Gabe ramdam ko Heartbeat nya. malakas❤️❤️❤️
THANK YOU PO SA LAHAT NG MOMMIES NA NAGSHARE NG KANILANG SAME EXPERIENCE SAKIN. Fighting sating lahat mommies. Praying sa ating mga baby. Medyo napanatag na po ako. LOVEYOU ALL MOMMIES!
okay lng yan mamsh. ako nga 6weeks wala pang yolk sac and embryo 😢 but i keep on fighting para sa baby ko . hipe by nextweek magpakita na sya with hb pra ma happy ang mommy .
same na sac palang din nakita sakin naman nun nireseta sakin duphaston pampakapit after 2weeks follow up check up ko narinig ko na din heartbeat nya 11weeks preggy na din ako ngayon,
Hindi po Vitamins yung progesterone, pampakapit po yan. Dapat po may separate reseta na si OB mo for vitamins and folic acid, importante yan sa devt ni baby during 1st trimester
ako po 18weeks bago namin narinig ni OB yung heartbeat ni baby, maybe sobrang liit pakasi ni baby kaya dipa gano rinig heartbeat nya
Ganyan din po ako.binigyan din ako ung pinapasak,tapos pinabalik ako after 2 weeks..naging ok nmn po heartbeat ni baby