No weight Gain

6 weeks baby boy. Exclusive breastfeeding. Kakavaccine nya lang today at nalaman ko weight nya 3kg pa din same nung pinanganak sya. Sabado pa sched ng pedia pero sobra na worry ko. Naawa ko ang payat ng baby ko :( meron ba same sa baby ko?

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

possible nyan baka pag nagpapasuso ka, di nya nakukuha yung pinakamaputi o yung hindmilk na tinatawag, nandyan kasi ang protein at fats na mabilis makapagpataba sa baby. sa breastmilk po kasi may foremilk (yung unang lalabas na malabnaw parang tubig, panawid uhaw ni baby yun kung tawagin) then saka lalabas yung hindmilk (o yung maputi puti na milk, ito pangsatisfied pambusog ni baby). dapat napapasuso nyo po ng maayos minimum po ng 15mins per suso kung sakali sabi sakin ng lactation consultant. dapat kung nakaktulog, gigisingin also eat foods rich in protein at fats po. kasi given naman na nutritious ang breatmilk pero nasa mommy pa rin yun kung pano sya kumain ng healthy pa, madagdagan yung nutrients.. dahil kung anong nutrients nasa food ng breastfeeding mommy, yun din nakukuha ni baby pag sumususo. si baby ko naman from 3kg nung newborn to 5kg ng 7weeks old at from 48cm to 58cm din po yung height. pinapaensure ni lactation consultant na almost empty yung 1 breast bago nya ipalipat sa kabila si baby para susmuso kung bitin pa sa milk. as per our pedia normal na di maggain ng weight for up to 1month old pero beyond that dapat naggaggain na atleast 200grams per week kung maganda ang nutrients na nakukuha. basta maganda rin ang output: poops and ihi 6-8x diaper (puno) per day.

Đọc thêm
2y trước

Paano nalalaman na almost empty na po ang breast ?? Yung baby ko kasi mayat maya na dede, pero mabilis lang kasi nakakatulog. Hindi na magising.

do you know how much milk you're producing? dapat may breast pump ka para nammeasure mo yung milk na kaya mo iproduce kasi dito mo malaman at ng doc mo if maunti pala gatas mo. may prescribed amount ng milk dapat naiinom baby mo based on his weight e. pwede macompute ng doc pero range lang naman yun, depende pa rin sa gutom ni baby siyempre. sa LO ko naka 3 check up kami within his first month. 5 weeks na currently lo ko bet ko rin sana exclusive bf kaso diba may jaundice sa umpisa e milk pinaka makakapagpagaling nun e pa mahina ang production ng milk ko as measured sa breast pump. kaya nagsupplement ako s26 (1oz lang) kada after breastmilk. total of 1kg weight tapos mahaba rin anak ko, 5cm hinaba niya pagka 1 month yung ihi output naman niya, madami? baka umiihi nga pero ang unti naman. may tracker dito sa app. ginagamit ko kaya alam ko kung ilan beses ako nagpapalit ng diapers. in short mamsh, mejo weird na in a month walang naging weight gain. baka naman within that month nagffluctuate weight niya. siguro need niyo yung mas mausisang pedia, yung talagang nagmomonitor ng progress. or kayo mismo dapat strikto sa monitoring ng anak niyo. make use of the tracker here. may useful tips din siya

Đọc thêm
2y trước

Ginagamit ko po mamsh ung tracker. 3-4x a day poop nya. Sa pump naman nagtry ako kaso ang onti ng lumalabas. Upon research di rin po un ang basehan kung onti o madami ung nalalabas mong milk kasi iba pa din ang direct latch at pumping. Pahaba ang laki ni baby mi. Pero ayun po babalik kami sa pedia tanong lang ako dito baka may same lang tulad kay baby. Thank you mi 😊

ano po gauge niyo at nasabi niyo pong di nag gain ng weight? for as long as madaming wet diapers at nakakapoop at least once a day, your baby boy should be fine po.. yan po sabi ng pedia ng baby ko nung nag aalala ako at napapraning ako kasi andaming nagsasabi ang liit niya umabot pa nga po sa punto na 3mos straight nasa pinakamababang spectrum si baby ko sa underweight category pero laban lang talaga nang laban. sa awa ng Diyos nung time na yun hindi naman siya masakitin at acuve naman po.. ngayon nasa normal weight na siya at 8 months

Đọc thêm
2y trước

Ayun kahit patpatin sya at season ng upo sipon ngayon di naman sya nahahawaan. Thank you mi.

Hi mi, same case po tayo. Nung pinanganak ko si baby, 2.37 sya. Bumalik kami sa 1 month follow up checkup nya 2.8 na sya. Nung 6 weeks vaccine din nya, same po senyo 3 kilos tapos nung balik sa pedia nya after a week 3.1. Since ambagal ng weight gain ni LO and sobrang behind na sya sa dapat weight ng babies non, pinag formula po kami and yung milk nya is yung pang premature babies. Yun ang milk nya gang sa nahabol nya yung weight nya dapat. Bale gang 3 1/2 months ganon milk nya tapos nag switch na kami sa normal milk

Đọc thêm
2y trước

Thank you mi! Mukang ganun din po gagawin kay baby. Di na po kayo nagpabreastfeed mi? Formula milk na lang po til now?

Thành viên VIP

One possible thing that happened mi was nag lose sya pagkapanganak then nag gain nalang ulit ngayong 6wks. Ganyan kasi baby ko. Nagka jaundice sya kaya naospital ulit, bumaba weight nya. Kaya nung 1st check up nya maliit lang difference ng current weight nya sa birth weight nya. If malakas naman milk mo and okay naman output ni baby, baka nakakadede naman sya ng enough. Iiyak naman yan pag gutom at di nasasatisfy. Discuss mo nalang din sa pedia nya.

Đọc thêm
2y trước

Ayun mi. Upon check up. Pinakuhanan sya dugo and urine. Baka breastmilk jaundice sya. Kasi mejo madilaw po sya sabi ni pedia. Waiting kami results. Kung normal naman daw po. Kulang daw po ako siguro sa gatas kaya formula and add ng vitamins para makahabol naman sa weight

pwede po ba un no gain weight kht . Baka po mahaba SI baby,d nadagdagan timbang napuntas sa haba? may gnun eyy. SI Lo ko nmn nanganak Ako march 13 ,at 2.6 sya nun march 21 patak Ng polyo sa knya 2.9 na sya. TAs vaccine nya Ng Penta April 24 ,4. something na po sya. Pro as long as healthy po SI bby nyo wla nmn kau Pansin na dpt ipagalala normal lng po yata lalo nga kung mahaba syang baby.

Đọc thêm
2y trước

Yes mi. Ganun nga ang ngyari. 51cm sya nung pinanganak. Now 62cm na sya. Kaya ang payat nya tignan kasi ang laki ng hinaba nya.

baby ko naman 2.8kg ko siya nilabas breastfeeding din, nung 1st vaccine niya 4.3kg na siya pero nagkasipon siya 15days old until now na 2 months and 6days na siya. hindi mawala wala pero nadadagdagan naman timbang niya ngayon 5.2kg na siya, hindi ko alam kung sinus na yung meron sakaniya kase may sinus tatay niya hays😣

Đọc thêm
2y trước

may alaga rin kaming aso tsaka pusa pero may air purifier naman kami

hi mamsh! same sa baby ko..actually mamsh nagkakaroon pa nga ng slight weight loss few weeks after nila lumabas and that is normal. basta si baby ay feeding well, sleeping well, nakaka poops at nakaka wiwi, hindi iritable there's no need to worry. hope this helps :)

2y trước

Thanks mi! Kahit 1 month na sya mi ok pa din un?

Di ba mahina milk mo mi? sure ka ba na enough nakukuha nyang milk sayo? imposible naman na no weight gain. komusta poops and wiwi nya? pwede ka naman mag pa check up anytime if nakakabahala na no need to wait for the sched.

2y trước

Hindi tumaas timbang nya pero ang laki ng hinaba nya. 51cm sya nung pinanganak. 62cm na sya now

mommy same tayo. mg 6 weeks dn si baby. nung ilang araw mejo cheeky pero ngayon lumiit sya pero ang haba nya. d pa rn namin napa check sa pedia dahil bukas pa ang clinic nya. well baby namn sya at exclusively bf dn.

2y trước

Mi paupdate po kung ano sabi sa inyo ng pedia nyo hehehe salamat po 😊😊