anterior placenta

6 months preggy here. Anterior ang placenta ko sabi ng ob ko (meaning yung placenta ko in front of my uterus not at the back). Alam ko normal lang din sya pero di ko maiwasan mag worried kasi hindi ko masyado ramdam yung galaw ni baby parang mga pintig lang. Ganun ba talaga yun? Pls share your experience sa pagiging anterior placenta. First baby ko kasi hindi naman ganun, ramdam ko sya agad ng 6 months. Thank you sa mga sasagot ❤️

anterior placenta
62 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Yess mami pag anterior less movement mo si baby kasi natatabunan ng placenta nya pero like me posterior kaya much more ang kicks ni baby.. Ok lang po un

ako din po pa6mons na pero di ko pa alam position ni baby madalas ung galaw parang sa pwerta at puson ko, kinakausap ko si baby panu siya ppwesto.

anterior din po ako. normal lng po yan kapag gumalaw si baby mas ramdam sa puson at pwerta. kapag 9months na yan mas ramdam mo na yung galaw nya

same po tayo mommy...may lage lang pumipintig dati pero now nararamdaman ko naman gumagalaw sya..no worries basta regular check up nyo po.

Same po tayo pero ramdam ko po movement ni baby nung buntis pa ako.. Safe CS delivery nmn po sya.. Pray lang po tayo, ingat!

Thành viên VIP

I read somewhere na kapag anterior nga daw ay hindi masyado ramdam galaw ni baby. Ako anterior ako pero ramdam na ramdam ko galaw nya.

ganun po talaga pag 6 months, tapos parang alon lang mararamdman mo. pag 7 months medyo magalaw na. ganyan din ako momsh, anterior din

Thành viên VIP

Ganyan din baby ko nung buntis pa ako, tapos ang hirap makita ng gender. Pag lumaki si baby, ramdam na ramdam mo na mga galaw niyan.

yes. Ako anterior pero malakas sipa ni baby. Nababago yan momshie. Ang masama e yung nasa baba. Normal yan! Mag dasal ka lg 🙏🏻

mga mommy normal lang ba yung Pag iihi ka parang may nakabara at laging nagpapatigas ang puson 6 months pregnant palang po mag 7 sa 15

4y trước

Nung nakaraan po nabigla yung midwife sa center samin kasi ang tigas po ng tyan ko, tinanong ko po ano reason bakit matigas, sabi po nya naistress yung baby sa loob... So try to relax mga mommy❤️ baka po naistress po kayo, iwasan nalang pong mag isip ng kung ano ano😇