Humina dumede si Baby? :(
4 months na yung baby ko, malakas naman siya dumede dati halos kaka burp palang gusto ulit dumede nauubos pa niya 6 ounce. Pero nag-iba na ngayon, madalang na lang siyang humingi ng dede pag dumede naman di na niya nauubos yung 4 ounce, niluluwa na niya pag ayaw na niya, ang layo na ng pagitan ng oras ng dede niya. Since 1st month Tiki-Tiki na vitamins niya at Nestogen naman yung milk niya,masigla naman po siya ngayon, ano po kaya posibleng dahilan salamat po sa sasagot?