47 Các câu trả lời
Kahit dimo pa sila close try mo pa din kausapin ng maayos kung sino man may ari ng pusa. Basta yong maayos at maganda yong approach mo sakanya, kunwari "bunso, kakausapin lang sana kita about sa pusa. Wala naman ako problema sa pusa kung tutuusin kaso dahil buntis ako, malakas kasi ang pang amoy ko. Minsan nasusuka ako o minsan nahihilo ako, nakikiusap lang sana ako na hanggat buntis ako pwede bang ikulong muna pansamantala yong mga pusa" parang ganyan. Okali kausapin mo yong magulang ng asawa mo pero kailangan yong maayos ulit
The situation is a bit complicated actually. Mahirap talaga makipisan, sis. Hirap nan especially for hubby kasi sya ang ipit sa sitwasyon. Ganyan din ako nung tumira kami sa family ni hubby for a while. I tried my best na ako ang nag-adjust talaga tho mabait namn sila sakin. At the end of the day kasi, additional lng ako sa family at long before pa ko dumating sa buhay nila, maaring matagal ng andyan na un mga pusang yan. Pero pede mo din naman sila kausapin in a nice way about your situation.
Mag mask ka sis. Me po always po may dalang mask at hanky. For amoy po vicks or brain power (Tin's organic) nabili ko yan through online. Mabango po at mangingibabaw po tlga ung amoy nian kesa sa baho ng paligid ko. Malakas tlga kc pang amoy natin. Like u, wala rin me magawa kc mismo ng lugar namin nakuu.. Ewan ko nlng. Amoy malansang isda dhil malapit lng kme sa factory ng pagawaan ng sardines. Always ka rin po tlga wear slippers at may alcohol ka always😊
no hate sa pusa momsh pero grabi kc amoy ng pupu, ihi plus yung mga balahibo sa sofa,tsaka kung araw2 mo gagawin yung mglinis eh mapapagod k lang.kc kung nkasanayan n nila mg pup sa lugar n yan babalik at babalik tlaga yan unles palabasin sila ng bahay at gawan ng sarili nilang tirahan.no ofense s cat lovers pro kung sa mga lababo momsh,prang nkakadiri nman mghugas ng pinagkainan dun.for me ayaw ko rin ng pusa much better kung aso.
Iwas ka po sa poop ng pusa. Medyo mahirap magbalanse nyan kasi di nyo yan sariling bahay, pero paliwanag nyo pa rin po sa bf nyo ang risk ng poop ng pusa sa buntis. Wag po ikaw ang maglilinis ng poop ng pusa, hayaan mong ung kapatid nya maglinis kasi sya may alaga dun. Iparamdam mo na ayaw mo sa pusa. Stay ka nalang po sa room at palagi mong isarado ang room para di makapasok ang pusa.
mumsh if may iba kayong malilipatan sguro mas okay. kasi nakakaipit talaga yang ganyan. pero kung wala, i think responsibility ni bf na sya kumausap sa kapatid nya. kasi mumsh delikado sa preggy ang pupu ng pusa. big no no na naglilinis ka ng pupu nila. i leave abroad and yan talaga ang practice dto, bawal na bawal maglinis ng pupu ng pusa ang mga buntis. i’ll attach the explanation.
Oh no! We love our pets pero pgdumating na si baby better to have them caged or sa isang rm lng sila mgkalat. Kc kailngan lage malinis ubg mga gamit ni baby...mahirap na lalo ung balahibo nakkatrigger kc ng allergies yan. Better to talk to them and tell them na para kay baby namn. If ayaw nila dun ka nlng sa parents mo. Wala kc u need to sanitize ur house before s baby comes😉👍
Kaya din po kasi kami umalis sa side ni mother dahil wala pong magandang hangin sa labas malapit kasi sa palengke at sobrang dami ng naninigarilyo kaya no choice kami kaya dito kami sa kanila nakatira at malapit kami sa hospital kung saan ako nagpapacheck up at manganganak. Graduating din po kasi si bf pa ng college. 😞 Inaalala ko po kasi si baby pag lumabas na sya. 😭
Di kba pwede sa inyo magstay? Kc ngyon nahihirapan ka sa amoy ng dumi ng pusa pero pag lumabas na si baby mas mahirap. Alam ko hindi mganda para sa baby ang may pusa sa bahay dahil sa dumi nyan nkakasama sa baby. Uwi kana muna sa inyo. Iwas pusa at iwas din sa issue sa family ng bf mo. Okay lang naman cguro sa bf mo na sa family mo ikaw magsandal..
Momshie bumukod nalang po kayo kasi mauuwi lang sa away at tampuhan if ioopen mo yan sa in laws mo unless nalang super bait talaga nila at ilelet go nila yung mga pusa for you. Animal manure 'yan delikado po yan sa health niyo ni baby. Baka may parasite pa yung mga pusa na yon mahawa ka pa. Kawawa naman kayo ng baby mo kung nagkataon.