35 Weeks 6 Days base on last Ultrasound
Emergency CS 😬
Meet our little Sweetheart, Baby Girl
Marianna Agatha ❤️
Maikli lang po ang kwento ng aking panganganak,
Feb 2, around 2.30PM habang natutulog naramdamam ko ung panubigan ko pumutok na, bumangon ako agad to check, so ayun pumutok na nga sya. Called the ambulance, and they instructed me what to do habang on the way na ung ambulansya.
Same day afternoon dmting kami s hospital, walang pain or anything talagang nauna lang pumutok panubigan ko. Ultrasound nila ako unfortunately Breech position sya from Cephalic umikot pala sya.
So my OB advised me pede akong paanakin ng normal delivery kahit breech, or CS. (Both Risky, pero mas alam kong risky na paanakin aq ng normal delivery, so we opted to do the CS). same day dinala nila ako s monitoring room, dun aq nagpalipas ng gabi, nkatulog ako)
Feb 3, 3.30am exactly humilab na siya, inorasan ko interval next is 3.39am then 3.45am by that time tnwag ko na ang nurse and meron na syang nilagay na aparato s tyan q for the HB, continous ang hilab mas maikli na ang interval (Umabot ako ng 9cm without epidural, sobrang sakit pala maglabor 😬😬) after an hour IE aq ng OB and they need to do Emergency CS kc nkakapa na nia ang paa ni baby. So ayun na bandang 6am nsa delivery room na ako, nkatulog ako habang nilalabas nila c baby, nagising ako kasi nrinig ko ang iyak ni baby. I heard na everything is ok kay baby and need lang incubator to make sure while waiting na matapos akong tahiin.
6.25am she's out, di ko mtandaan ilang lbs pero pagkaka dinig ko wala pa syang 3kilos.
Recovery room, nanginig ako umabot ng isang oras sabi ng nurse dhil dw un s gamot na pinasok sa pwerta ko. All is well kay baby, pero monitor lang nila sugar ni baby form time to time.
Ngayon eto nsa hospital pa kami, since bawal ang lalaki magbantay, till 8pm lang sya pede dito, kami lang ni baby ngaun, we need to stay here for 48 hrs pa dw pra mamonitor nila c baby. Babalik nalang ulit c hubby tom morning till 8pm.
Nkakaiyak na experience to, nabura lahat ng sakit nung narinig ko ang iyak nia at ng makita q sya.
Salamat sa diyos at hndi nia kami pinabayaan ❤️❤️
Tips: Stay Calm kahit sa anong sitwasyon, pagputok ng panubigan, bleeding, labor etc. kalma lang makakatulong un pra d ma stress c baby.
Dasal at kausapin c baby. ❤️❤️
Goodluck momshies. ❤️
PS. Nandito po ako sa Doha Qatar. 🇶🇦😍