Medyo mahaba haba pero Mommies I need your advice please(public, infirmary, private hospital)

34 weeks na ako ngayon and hindi parin kami nakakapagdecide ng hospital na pag-aanakan. Our first choice is yong public hospital dito sa amin pero dahil mataas na naman covid positive sa amin(MECQ kami ngayon) tapos don sa public hospital na yon mostly dinadala yong mga covid positive po. So natakot kami, inalis nalang namin si public hospital sa choices. Tapos madami nakagsabi sa mga bad experience sa public hospital na yon. Btw, fully vaccinated na ako/kami ni Mister. 2nd option, si Mister gusto nya sa infirmary ako manganak para medyo tipid. Kasi pag may philhealth wala daw po babayaran. May doctor din naman doon. Pero my OB said na dapat daw sa hospital manganak pag first baby. Bawal na daw sa lying in o ano mang paanakan. Pero ini-insist ni Mister na sa infirmary nalang kung normal delivery lang naman daw. Pero natatakot kasi ako. Alam mo yong anxiety mo na what if ma emergency CS ka, kasi kahit pa okay mga ultrasound mo pero may mga instances kasi diba na, baka matagal lumabas si baby tapos naubos na yong panubigan mo(na sana wag naman mangyari). Tapos babyahe pa ng 20-30 mins sa ibang hospital. Kaya ako gusto ko sana manganak sa hospital na affiliated yong OB ko, which is private sya. Sabi ni doc nasa around 40-50k pag normal then x2 pag CS. May ipon naman konti pero hindi sapat pangbayad pero kaya naman magprovide sana thru Loan. Sabi ni OB ko hindi kita pipilitin manganak sa mga hospital kung saan affiliated ako basta sa hospital kalang manganak ki public or private yan. Naiintindihan ko si Mister sa pagtitipid, kasi sana magagamit din namin panggastos kay baby yong pera pero yong anxiety ko na what if may mangyari sakin, panghihinayangan mo yong 40k pag wala na ako. Call me OA pero hindi ko po talaga maiwasan mag isip ng ganyan. Now, need ko ba ipush na sa private ako manganak? Para ma persuade ko na si Mister. Need your help po. #firstbaby #pleasehelp #pregnancy

13 Các câu trả lời

pareho tayo mami, ako noong preg pa gusto ko talaga manangak sa lying in lamg para tipid at para magamit panggastos kay baby ang ibang matitirang pera, so okay na sana si baby nalang hinihintay ko lumabas gang umabot ng 40 weeks wala pa rin tLga ako ,natatakot na ako na parang nanghihinayang ,natatakot kasi baka ma cs ako at yung pera sayang ganon. pero ending na cs pa din ako dahil overdue na si baby still close cervix pa din ako kaya wala ng patumpik tumpik pa nagpa cs na ako kasi madami nagsaabi baka naka poop na si baby. di nga nagkamali konteng oras nalang pwede na sana makain ni baby ang popo pero awa ni God naagapan pa. ps. wag po tayo manghinayang sa pera kung buhay ang nakasalalay. ang pera namin na naipon 40k plus pero bill namin 70k so sabi ko di bali mangapa kami sa kakautang basta ligtas na at nairaos kona anak ko, ang pera nahahanp pa pero ang buhay pag nawala na hindi mo na mahahanp at di mona maibabalik pa,plus ang sakit na dadanasin mo walang katumbas na sakit di mapapagaling ng pera ang sakit na mararamdaman mo.... yan po ang natanim sa isip ko nung nairaos ko na anak ko .pasalamt din ako dahil inasikaso agad ako ng mga doktor diko na inisip na private yung hospital mahalaga ligtas kami mag ina.... hays😌 ... sana mami makaraos kna ng walang problma mainormal mo nawa ang baby mo ligtas na mairaos.. 🙏

follow moko mami😊😊😊😊

PUBLIC HOSPITAL po ako nanganak sa First baby ko, nung una nag aalangan den ako kasi covid. mahal kasi sa pinagpapacheckupan ko 90k daw CS, di namin kaya ang ganon kalaki, kaya naghanap kami ng public kasi lagpas duedate narin ako need talaga ma CS. pagdating namin doon rapid test muna daw ako, kapag negative ihahalo ako sa mga negative patient at kapag positive sa positive covid patient ako, pero thank god negative result swab ko kaya inakyat nila ako. nakampante ako kasi puro negative naman mga kasama ko. maganda den po sa public mommy akala ko po risky pero sineseperate po nila yung negative sa positive for the safety of the baby, and wala po kami binauaran sa public kahit CS ako philhealth lang po☺️

advice q po momshie sa hospital ka po manganak lalo na dahil first baby ,and para nrin po handa sa possible na maging situation like po sa akin dati,normal lahat wla nmn nkita n pwede ika cs ,pero dahil na stock aq sa 3cm at d parin nagbago,emergency cs ending q,dhil unti unti nrin lumalabas nun panubigan ko,at nagbabago nrin ung color,kya no choice cs na, un pala nakapulupot umbilical cord sa leeg ng baby ko,kaya best choice na hospital ka nlng manganak,and mas ok if refer talaga ng ob mo or mismo ob mo mag assist sau,Godbless -total bill nmin sa hospital around 50k+ pero dhil may philhealth nman nsa 38k nlng binyaran nmin

VIP Member

Ganyan din ako dati, gusto ko makatipid para magamit ang pera sa mga needs ng baby paglabas but my hubby insisted na sa private hospital kung saan affiliated si ob daw para secure life namin ni baby. Kasi sabi nya ang pera daw makikita pa yan pero ang buhay di na maibabalik, so ayun sa private hospital kami ang we paid almost 50k kahit normal delivery, so far sobrang ok talaga sa hospital lalo na sa private. Worth it yun bayad mo, di ka manghihinayang talaga

mamsh, ako rin po may same concern. pero kami ni partner, mas gugustuhin namin sa private hospital na affiliated ang OB ko. first, alam nya ang history ko, hindi mahihirapan mag adjust, or kung mag tanungan man sila during delivery, eh alam nya ang isasagot. second, agree ako sa yung pera kikitain naman yan, third, safety first po tayo lagi. its for you and the baby naman po mamsh. praying for us po na sana makaraos tayo ng maayos. 🥰

Mommy first time ka manganganak kya dpat ob tlga at sa ospital ka. Wag manghinayang sa pera.. Normal ang naiisip mong pag aalala kse tlgang delikado manganakdi lng para sa sau kundi pati kay baby.. Ung mister q dibaleng gumastos ng malaki basta safe kmi ni baby.. Kase sbi nya pera lng yan kikitain ulit.. Di dpat magtipid lalo kung buhay ang pag uusapan.. Praying for ur safe delivery mommy.. Kaya mo yan at ni baby pray lng..

naku mommy wag po manghinayang sa pera makikita nyo rin yan. ako dahil sa pinili namin magtipid, sa center ako nanganak at cord coil pala si baby kaya di ko mailabas. nakulangan na sya ng oxygen at dami ng complications kaya di rin sya ngtagal. nirefer din sya sa private hospital at gumastos rin kami pero nawala pa rin si baby. don't risk your life and baby's life mommy. I learned it in a hard way.

Kung May pera ka Mommy Better Dun sa OB Mo affiliated na Hospital , Pero Kung Magiging Wais kalang Same 2x lang naman yan sa Public Kung tutuusin Momshie Pinag ka iba lang is Priority ka Yun lang yun Pinag kaiba kung tutuusin , Yan Naisip ko noon Pero Nakapag Decide ako sa Public Hospital nalang ako Para wala tlga ko babayaran Like Sa mamalaking hospital ..

First baby tlga is advise sa Hospital My OB said din sa akin , kahit na may mga alam ako Lying in ayoko Mag Try Ng Risk Baka ako din mahirapan 🙃

momsh.. it's better safe than sorry... Mas OK na na safe kayo ni baby... baka sa pagtitipid nyo eh Mas Lalo kayong mapagastos.. try to look nalang po ng mga hospital na medyo affordable... asked nyo din ung mga maternity packages Nila... malaking tulong din si philhealth. God will provide. Basta tiwala Lang po momsh.. makakaraos din...😊 😊 😊

1st baby po mas ok if hospital, hindi naman po kau isasama sa mga may covid na pasyente nakahiwalay po sila.. mas safe po sa hospital lalo n pag 1st baby po minsan hindi tinatanggap sa lying in ang mga 1st time mom

Câu hỏi phổ biến