21 Các câu trả lời
Mamsh, medyo delikado po yan. Prepare yourself for CS po. Wag na pong ipilit i-normal, kase yung kaibigan ko po, ang sabi ng OB niya kaya daw pong inormal, kaso nung palabas na po yung baby hindi kinaya, nawalan po ng oxygen ang bata sa loob kakaire, at namatay. 😢 Wag na po tayo manghinayang sa gastos at sakit po kung safe naman pong madedeliver si baby. Advice lang po 😊
Cordcoil po ako schedule CS tomorrow kase 1 month namin minonitor si baby pero di naalis pagkapulupot. Tinanong naman ako ng OB ko kung gusto ko ipush na normal pero andun yung magiging delikado si baby kase habang naglalabor kadaw pwede masakal ang bata kaya ayun magpapa CS nalang ako. Di bale ng mahirap at masakit basta sure na safe si baby kakayanin ko 😊
Me mamsh ! Ang case namin is di namin alam na cord coil si baby . Kasi nagpa utz ako 2days before ako nanganak all normal naman sya kaya nagulat si ob nung cord coil si baby paglabas . Exactly 38weeks si lo nung ipinanganak ko
NaCS po ako dhil sa cord coil. Di ko na po nirisk na inormal delivery para safe c baby. Pero 32weeks p lng nmn c baby mo pwd pa sa next ultrasounds eh matanggal ung coil. Pray mo lng parati mamsh pero be prepared for CS na dn
ako sa pangatlo ko cord coil sya kaya pala tagal ko naglabor 24 hours ndi sya bumababa kahit pinainom na ko pampababa .. normal naman sya nalabas kaya lang over due na..
Na normal delivery ko po si baby ko. Cord coil din. Kaso 36 weeks nung lumabas si baby. Bigla kasi pumutok waterbag 😊. Pray po and be positive po. Kaya yan mommy😊
Nag pa UTZ ako 5 hrs bago iCS(nas cs ako kasi hindi normal heartbeat ni baby) normal naman lahat nagulat na lang yung doctor ko cordcoil siya pag labas
Naka cord coil din dati si baby pero ngayon nawala na. Sa sobrang likot niya nakaalis siya. Listen to your OB po na normal lang po yun 😁
7 months po
Me cord coil din baby ko, double loop nung una pero ngayun single loop nlng. 36 weeks here. worried din ako
May ibang doctor na kayang inormal kahit cord coil. Depende na din siguro sa pagkakacord coil ni Baby.
Anonymous