MATERNITY LEAVE
32 weeks nako tomorrow yung employer ko nanghihingi na exact date para sa leave ko para sa reliever.. kayo ba mga mommies kailan po nag start mag leave? di naman high risk pregnancy ko.. no idea since first time mom.. thanks in advance..
almost a week before due date ko. Iba iba kasi tayo ng experience sa panganganak... pwedeng 1 week before EDD mo manganak ka na or after a week pa. mas okay na yung before EDD mo, makapagprepare ka pa at makapagready din yung papalit sa task mo sa work.
yung sa akin po, sinakto ko sa EDD ko na May, although na-CS ako ng last week ng April. Buti may leave credits pa ako kaya napunan. bale ang labas, from na-cs ako until EDD ko, naka-paid leave ako. tapos ginawang start ng MAT LEAVE ko, May na. 😊
if not highrisk 38 weeks, but if highrisk, i suggest 37 weeks. kasi 37 weeks ako pinaanak nung highblood ako sa ikaapat ko. while the first three ko naman kung kelan ako inabutan ng panganganak saka ako ngleave kasi low risk 😅
Ako po 37 weeks and 3 days pregnant na pero di pa ko nag ffile ng leave and driving pa daily pa office. Naisip ko kasi gusto ko masulit yung 105 days na kasama ko si baby. 😊
Anytime nman po pwede mag-leave pero kung ako sayo mag-file ka na pag kabuwanan mo na kase need mo na ng sapat na pahinga at lakas para sa panganganak mo at after mo manganak.
Kung di ka naman high risk pede ka mag file ng leave 3 weeks before ng EDD mo. Goods na yun para makapag prepare ka na din ng dadalhin na gamit sa Hospital tapos documents din
Ako sabi ko susulitin ko, magfile ako ng maternity leave 2 weeks before my due date kasi wfh naman ako. Ang ending, nauna ako manganak kesa sa leave ko hahaha
Sakin, the nearest "practical" date before my EDD. "Practical" in a way na maximizing the days around the holidays and weekends :)
Mag 2 weeks ahead sa edd mo po mag file ng matleave 🙂
38 weeks- DEPED EMPLOYEE PO AKO