Nakangiti ang Reflection ko
3 years old pa lang ako nun, nung namatay ang panganay naming kapatid na 9 years old lang noon, nalunod sa ilog. Kahit wala na sya, madalas pa din namin dinadalaw ang puntod nya. Wala na siguro sasakit pa na mawalan ka ng anak, Kaya kahit ngayon, alam kong nasasaktan pa din sila Mama at Papa sa pag kawalan nya. Sabi din nila, pag nakikita nila ko, kamuka ko daw si Ate, May nakapagsabi pa nga, kaya pala nawala kasi may papalit. May nakapagsabi lang samin na twing sasapit daw nun ang gabi nung kakamatay lang nya, sa ilog may umiiyak daw na bata kung san sya nalunod. Di na lang namin pinansin at nagdasal na lang kami. Then, malapit na ang undas nun, Siguro 12 years old na ako nun, ng uusap kami ng katatakutan magpipinsan sa kwarto namin, Tapos napagkwentuhan namin yung kapatid ko. So takot na takot na kami nun... Tapos may malaking salamin sa kwarto. Bigla ako napalingon.. Kitang kita ko, nakasmile ang Reflection ko. Di ko na lang sinabi sa mga pinsan ko. Pero alam ko nun na di ako nakangiti nung humarap ako sa salamin. Pero inisip ko na lang na naka guni-guni ko lang un. Siguro after a week ko na nakwento sa kapatid ko ang nangyari. Natakot din sya at dumalaw na lang kami ulit sa puntod at nagdasal.. #MagandangGabi #TAPAfterDark #horrorstory