8 Các câu trả lời
Kalma lang mommy forever mo na kasama si baby mo.. Kung umiiyak siya na buhat mo means Love ka niya ikaw kasi kelangan niya kaya yakapin mo siya.. Saka anubeyy yan sila parents mo kita na kakapanganak mo palang e kung anu2x pinagsasabe.. Normal delivery ka ba? Mas better tyagain mo buhatin si baby mo.. Asan ngapala si husband? Mas ok kung kayo dalawa muna mag alaga kay baby saka feeding per demand naman kung Breastfeeding padedein mo lang breastfeeding ka naman siguro mommy? Nakakamiss naman talaga yun nasa loob ng tyan separation anxiety yan mii.. Pero tingnan mo si baby mas masaya db na nasa labas na siya nahahawakan at nayayakap mo na😊 Enjoy mo lang yan mii saglit lang sila baby.. Saglit lang ang phase ng newborn kaya tyaga lang..
i feel you mamsh! usually pag naiyak si baby either may poop, gutom, kabag, or gusto nila ng yakap :) wag po kayo mataranta pag umiiyak si baby kasi natural way of communicating nila un ng needs nila. mag skin to skin contact po kayo lagi kasi for sure hinahanap hanap nya ung amoy mo ang heartbeat mo mii kasi for 9 mos un ang familiar sa kanya. ska trust your instincts po kasi binigyan tayo nyan mga mommy, need mo lang po iobserve si baby and need nio time together. nung una din po may taga paligo kay baby ko tapos pag umiiyak kinukuha din ng lola pero di na ako pumayag sinasarado ko pinto para ako mkpag patahan kay baby :D
Your feeling is valid mamshie...Tama naman din yung galit mo na hindi ka hinahayaan mag-alaga...pero isipin mo mamsh, kakapanganak mo palang, buti at may kasama ka mag-alaga...magpalakas ka, habang may kasama ka mag-alaga, at kapag malakas ka na talaga, alagaan mo na...sabi nga ng mister ko nun, ang trabaho ko lang daw ay magpahinga at magpadede, sya na bahala sa iba...ngayon yung baby ko going two months na...ayun ako na lang nagpapakalma...gamitin mo ang sabik ng ibang tao na alagaan ang baby mo habang nagpapalakas ka...mahirap mabinat..
Aww okay lang yan mi. What you're feeling is valid. Kaso sa ngayon lalo first time mom ka, kelangan mo talaga tulong ng parents mo. Usually talaga iba ang approach ng mga matatanda sa mga babies kasi iba yung nakasanayan nila noon. Pero kahit ganon ako personally pag labas ni baby ko, gusto ko andito mom ko. Di naman siguro nila mean na ipamukha sayo na parang wala kang kwenta o ano. Isipin mo nalang parents mo un, love nila si baby kaya ganon din sila ka concern.
3 days old palang naman si baby, mommy. Marami pang chance para makilala mo si baby. Nakakataranta talaga una lalo na pag first time mom ka. Yung parents natin mga bihasa na yan sa pag aalaga ng baby kaya alam na talaga nila gagawin. Though dapat maintindihan din nila na nangangapa ka palang sa pagiging mommy. Look at the brighter side nalang na malaking help din ang parents sa pag-aalaga kay baby para di ka masyado ma-stress. Kaya ko yan mommy ☺️
kung umiiyak sya momsh gusto nya na kargahin mo sya gusto nya kase ang yakap at init ng ating katawan tapos ihele mo kantahan..kung umiiyak dahil gutom edi pdedehin..check mo ung bunbunan pag lubog sign na gutom or kabag ang tyan..wag kang mag isip ng negative momsh..kase ikaw ang ina kaya sayo lang sya makakahanap ng ginhawa...pray lang lagi momsh na ma overcome mo yan.🙏💕
Kaya mo yan mii. Ang gawin mo po pag aralan mo kustumbre ng baby mo para alam mo po gagawin pag umiiyak po sya. Pag po lagi sya nasayo makikilala ka na nya. Yung boses mo po yung amoy mo. Darating ka din dun mi kapit lang
makakaramdam ka ng postpartum blues..firt time mom ka,natural lang na nangangapa kapa kung anung gagawin.easyhan mo lang sis,wag masyadong mapressure.
Anonymous