Share ko lang din sayo sis yung pinagdaanan ko sa asawa ko,
Nanganak ako ng Sept 8, 2019 wala ang asawa ko kasi nasa abroad sa NZ, 1 week after ko nanganak umuwi siya sa bahay September 18 morning pero di ko alam na uuwi pala siya so ang nangyari sinisurprise daw niya ako, akala ko umuwi nga siya para sa akin dahil nakapanganak na ako 4 days later parang may doubt ako na biglang umuwi na hindi nagsasabi, sakto that time iniwan niya cp niya sa kwarto namin tiningnan ko naku po laking gulat ko may nakalagay ASAWA KO sa messenger niya yun pala babae niya, yun pala ang nagsundo sa kanya nung September 17 pala siya dumating ng 11am, isang araw ang asawa ko pala sa pinas na nasa ibang babae bago umuwi sa akin,, nung nabasa lahat ng convo nila ang sakit sakit sa pakiramdam halos mamamatay ako sa kakaiyak bagong anak pa naman ako at CS pa,, humingi siya ng tawad sa akin , bigyan ko daw siya ng second chance na tukso lang daw siya, kami daw ni baby ang pipiliin niya at kami daw ang mahal niya,,, naging mahina lang daw siya,, after 2 days tinanggap ko parin siya dahil mahal ko siya at ayaw ko lumaki anak namin na walang ama, ngayon wala na silang contact sa girl,hopefully di na niya uulitin yun...pero sis hindi pa kami kasal, pamula nung nabuntis ako sa kanyang bahay na ako nakatira may sarili na kasi siyang bahay...