ASWANG TOTOO BA?

Hi, 2nd pregnancy ko na po and wala po akong naranasan na gantong pangyayari nung first ko pregnancy ko. Lagi po ako nagigising every 3 am at napapatingin sa bintana para po kasing may nakatingin sakin lagi binubuksan po kasi namin kasi kulob at sobrang init po sa kwarto. Eksaktong 9 weeks po ako today and nagising po ulit ako ng 3 at nag cr tapos di na po ako makatulog at pumikit nalang then may narinig po akong sobrang bigat na kalabog sa bubong (parang bumwelo po patalon) wala po akong narinig na step sa bubong bukod don sa pag talon pa pasok sa bintana namin then agaran po akong umupo sa takot tapos may big cat na po na papasok sa bintana namin sobrang kinilabutan po ako kasi kakatalon niya palang po pero half na ng body niya yung nasa loob ng kwarto at habang ginigising ko hubby ko dahan dahan po siya pumapasok na parang naka slowmo binugaw po siya ng hubby ko pero di po siya umaalis nung tumayo na po hubby ko at kumuha ng itak don lang po siya tumalon sa bubong at tumakbo at sobrang nakakatakot po kasi pag bagsak niya at pag takbo po niya sa bubong ay walang kalabog o ingay man lang sa bubong knowing na sobrang laki niya even my hubby was shocked kasi parang lumipad lang raw yung big cat

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Omg, totoo po talaga ang mga aswang. Maglagay po kayo ng asin at bawang sa bintana n'yo at magsaboy rin po kayo ng asin sa bubong n'yo, mommy. May mga pangontra rin po na pwedeng suotin o katulad po ng mga tanso ganon, hindi lang po 'yon pangontra sa aswang, pangontra rin sa mga taong may masamang balak sainyo at sa mga engkanto rin. Lagi rin kayong maglalagay sa katawan n'yo ng bawang, huwag kayong magpapawala ng bawang sa katawan n'yo umaga man o gabi. Pag lumalabas po kayo ng gabi, make sure na may bawang kayo na dikdik na para mas mangamoy s'ya. Ingat po.

Đọc thêm
1y trước

Mag-ingat ka po, mommy. Lalo na't buntis ka, mabango po talaga sa kanila ang mga buntis. Sa akin nga po, every 12 am laging may naglalakad sa bubong namin, and maaga pa lang may naririnig na kaming tiktik. e-less n'yo rin po ang paglabas sa gabi. Lagi po kayong mag-iingat, hindi po kasi talaga biro pagdating sa mga aswang. Tsaka pwede rin po kayong maglagay sa bintana n'yo ng sanga ng kalamansi, yung may tiniktinik.