Nahihirapan ako sa sleep cycle ni baby
May 2mos old newborn ako. Simula nung almost 1mo na si baby ay nag iba body clock nya. Natutulog siya ng dawn (madalas 2am-4am) tapos nagigising na ng noontime. Minsan naman maaga siyang natutulog at maaga ding nagigising. Usually awake si baby ng hapon-gabi or gabi to midnight. Kapag natutulog na si baby ay hindi agad siya nahihimbing. nag eexpect ako na mahiginbing agad sya dahil mataas oras na gising. Like aabot nga 5x na tatangkain naming ilagay sa bed dahil akala nami mahimbing na tulog pero nagigisng din agad. Nakakapagod talaga lalo na sa dawn nangyayari dahil sinasayaw namin nga partner ko para lang makatulog agad. Antok na antok na talaga kami. Minsan nga umiiyak na ako sa pagod. Malapit na matapos maternity leave I'm afraid na wala akong tulog while sa duty. Pahingi experiences nyo sa pagpatulog ng mga babies nyo, mommies and daddies. Gusto kong ma feel at malaman na hindi ako nag iisa sa experience na ito dahil nakakapagod na talaga. By the way, 2nd baby ko na pala tong story ko. Eldest ko ay 9yrs old na at nakalimutan ko na kung ano ways ko pagpapatulog ko noon. Salamat. #sleepcycle #sleepdeprived
I'll share my experience po sa'yo mommy. This is my first baby po. During the first month po, talagang hirap na hirap ako dahil hindi ko makuha yung sleep cycle nya. May times po talaga na mula madaling araw hanggang umaga na gising sya then after nya maligo, saka lang sya makakatulog. Hindi pa sya nagnanap madalas. Tapos nagtry ako nung sinasabi nila na sleep training nung magreach ng 2 months si LO ko. I tried my best po na mula umaga hanggang gabi, consistent po yung routine namin. Nililinisan ko din po LO ko the same time every night and after po nun, diretso nurse na sya sa akin. After 30 mins to 1 hr po na latching nya, nakakatulog na sya straight sa gabi. He will woke up lang po para dumede and then he will go back to sleep. I never swaddled him ever since his birth po. Yan lang po yung ginawa ko. Up until now po na 6 months na sya, same routine pa rin po kami at ganon pa rin po yung sleep cycle nya. Although mas dumalas lang po yung pagfeed ko sa kanya sa gabi. Usually po, ganito ginagawa ko. 8am-9am start po ng bath time 10am - feeding Yung pagnap or pagtulog nya po always varies. Even the length of his sleep varies po but usually 11am-1130am po sya nakakatulog. He naps po during the afternoon na usually naglalast po ng 30mins. Except na lang po kung sobrang pagod sya kakalaro. The nap becomes longer. Then by 6pm, nililinisan ko na po sya. 630pm-645pm start po ng feeding nya. Minsan po 7pm tulog na sya. Sometimes 730pm. But usually po ganon yung time frame ng pagtulog nya. At day time po, hinahayaan ko na ma expose sya sa maliwanag na paligid. Then at night, I make sure na madilim yung paligid para alam nya po ang difference. I only use dim light at night. I never open the lights at night kahit papalitan ko sya ng diaper or kapag padededehin sya. 6am-630am po, gising na si baby pero madalas po inuunahan ko sya magising para makaligo na ako at maprepare ko lahat ng kelangan nya at para na rin po makapagpahinga ako kapag natutulog sya. And maybe po, growth spurt po ni LO nyo kaya sya ganyan. But don't worry mommy. It will all pass. Kaya nyo po yan.
Đọc thêmFTM din ako mga Mie with 2months old baby din, I also want to share our day and night routine, which is very effective PO sa amin ni lo, Nagigising po c lo same time sa amin ni mister which is around 7am-8am pagkagising dede na po sya tapos kinakausap po sya namin in about 5-10mins which also help sa brain development nya,after that mag papaaraw kmi at mag iikot2 sa bahay/playtime At around 9am feeding time nya na pro inaantok na po sya nyan after 30mins mag burp bath time na po kmi mas maganda po after dumede c baby maligo kasi maganda po yung mood nla at hindi iiyak kpag pinaliguan, after maligo nap time na po sya until 12pm at around 1pm-2pm gising na po yan feeding time na uli and playtime, around 2pm or 3pm matutulog na po sya uli hanggang 5pm to 6pm na po yung nap nya Pagka gising uli po feeding time na kmi at playtime around 6:30 or 7pm half Bath lng po c baby pra iwas sipon at lamigin after that playtime/kinakausap po namin at around 8pm matutulog na po yan,minsan straight 4-5hrs yung tulog bfore magigising at hihingi ng gatas c lo pro blik tulog na po sya tapos dumede, ang next gising na po nya sa umaga na uli po.. make sure po na busog/well feed c baby within the day kasi po kng hindi na feed ng maayos c baby mababaw po yung tulog nla ksi magigising gising dahil po sa gutom at mas better po na eh burp c baby after feed pra iwas kabag at maganda ang tulog ni lo.. Based din po sa mga nalaman ko na mga mommy sa Youtube especially Doc. Pedia mom and Momjacq which is very helpful for the FTM like me.. if the baby sleep better at daytime it will also mean that your baby will sleep better in night time,. I hope this will help you mommy...
Đọc thêmThank you po sa pag share mommy.
Simula pa lang sanay na si LO na every morning on kami ng ilaw,maingay,on din ang tv. Pagdating sa gabi swaddle siya at dim light. around 2months basta naiswaddle namin siya sa gabi mahimbing na tulog niya kahit mga ilang hours pero nagpapagising pa din siya sa gabi. Before mag 3months nagsimula ng humaba sleep niya Bago mag end ng 3 months. Ilalapag lang namin si LO sa crib tapos play lang siya ng unti then kusa na siyang matutulog Tips-dim light sa gabi, well fed si baby buong araw, wag maniwala doon sa wag patulugin ng hapon etc para mahaba tulog ni LO sa gabi. Hayaan niyo lang silang matulog anytime within the day,wag din pilitin patulugin si LO sa gabi ng hindi antok at nahikab. tska po wag po maghile hehe. Minsan diyan kami nagkakagulo ni hubby kasi siya mahilig siyang mang hile. Wag lang siyang sanayin sa sayaw. Dati ginagawa ko namamasyal lang kami sa bahay then kinakausap ko siya ayon sleep siya,un ung parang hile ko sa kanya kasi ayaw kong mapagod din sa pagsyaw sa gabi hehe
Đọc thêmHindj na rin siya nakaswaddle before mag 3 months
nung nanganak ako sa baby ko mi asawa at mama ko ang nag alaga sa anak ko for a month dahil cs ako at nag ka complication sinuggest sakin na bed rest lang ako, naaawa ako sa asawa ko noon dahil as in wala siyang tulog ng gabi literal na zombie siya for a month sa umaga si mama ko mag aalaga, makakatulog asawa ko ng 2-4hrs. lang then siya uli mag aalaga sa baby namin, more on sayaw at buhat ang gusto ng anak namin noong ganyang month, nag research ako na effective yung i mamassage mo siya bago matulog at yung dim light umeffect talaga sakanya kasi bago pa siya mag 3months sumasabay na siya sa pag tulog, nag papatugtog din ako mi nung lullaby, nung buntis kasi ako sakanya nag papatugtog ako ng lullabies or yung mga mozart piano, and nung una ko pinatugtog yung nung nauwi na kami dito sa bahay galing hospital tulog siya dahil siguro na recognize niya yung mga pinang ssoundtrip ko sakanya lalo na nung nasa loob pa siya.
Đọc thêmlaban lang mi. ganyan ata talaga kapag mga newborn. di rin ako halos maka tulog nung 1-2 mos ni baby. cs pa ako pero ako talaga yung bumabangon kahit fresh pa ang sugat ko. kasi wala hubby ko . mama ko lang tumutulong sakin. umiiyak nlang ako minsan kasi di ko alam anong gagawin na iyak nang iyak si baby. EBF ako. katagalan gumawa na ako nang sleeping routine nya. naka tulong din ang duyan samin lalo na pag antok na sya. dinuduyan namin pag maka tulog na sya tsaka namin nililipat sa bed kasi cosleeping kami. ngayon mag 6mos na sya next week awa nman nang Dios nkaka tolog na kami nang maayos sa gabi. nagising nlang kapag ka gutom sya.. tsaga lang mi. Pray din. lilipas din to.🥰🥰
Đọc thêmGanyan po talaga mommy pag newborn baby, di u tlga nya patutulugin. Halos diko rin kayanin nun, nakaramdan ako na pagsuko dahil sobrang hirap pag wala tulog pero kinaya ko dahil pag tulog c baby natutulog din ako, sa midnight kc every 2 hours gising nya kaya puyat tlga. Kaya gawin niyo po is pag tulog c baby sabayan niyo rin ng tulog and salitan kau ni hubby mu pra anytime na gising sya kahit papanu may tulog kau. Buti u nga may kapalitan, ako wala dahil may work c hubby kaya need nya matulog sa gabi pero sa umaga natutulungan nya naman ako.
Đọc thêmako din hirap pa sa sleeping cycle ni baby, mag 2 months na siya. minsan ginagwa ko nlng pag ayaw palapag, hinahayaan ko nlng siya nakadapa sa dibdib ko kse pagkatapos ko siya i burp nkakatulog siya sa dibdib ko, sumasandal nlng ako patong unan nakakatulog ako kahit papano pag mahimbing na tulog niya tsaka ko siya ilalapag. first time mom ako. hirap talaga pero tiis tiis lang talaga kse di nman lagi na ganito lilipas din ang araw lalaki din siya so minsan iniisip ko nlng yung positive nkakapagod pero worth it nman. ❤
Đọc thêmYun din ginagawa namin ng partner ko mommy pinapatulog namin sa dibdib para hindi madaling magising. Thank you po sa pag shre
pwede massage mo si baby bago matulog at pwede ka din mag dim light .. yung ganyan age kasi talagang pabago bago pa usually sleeping patterns ng mga babies... sa panganay ko hirap ako lagi ako puyat. Pero dito sa baby ko from birth til now kaka 1yo lang lagi ok ang tulog niya 😅 di ko din alam kung paano siya lang mismo kusa natutulog Pag sapit ng 8pm then gising ng 3x para mag dede (EBF baby) tapos sa morning na gising 5 or 6am then 3x naps na 1 hr or 30mins sa umaga
Đọc thêmsi lo ko po around 1 month palang inisleep train ko na. sa umaga maingay at maliwanag sa kwarto. then sa gabi dim light lang gamit namin kahit palitan ng diaper di na ako nagbubukas ng lights. lately nagtry po ako ng tiny buds sleepy time massage oil, nakkarelax ung scent and masarap talaga tulog ni lo (2 months na) gigising nalang sya para mag feed then tulog na ulit. sa gabi usually twice nalang ang gising ko para magpadede
Đọc thêmGusto kong e try ang tiny buds mommy. Salamat sa advice
experience ko mommy, simula pagka uwi namin ni baby sa hospital hanggang ngayon, 6 months na siya eh hindi niya pa ako pinuyat. kase mommy prinactice ko siya noon pa. dapat may routine kayo 😊 hanggang ngayon deretso tulog ng aking mahal. never kami nagpuyat. anddddd ebf ako. kaya no puyat samin ni mister hehe
Đọc thêm
Mama bear of 2 fun loving magician