Anxiety during Pregnancy
29 weeks pregnant FTM 23 y/o Hi mga mommies! How do you cope up with anxiety during pregnancy? Ngayong 3rd trimester, mas naging anxious ako to the point na every night naiiyak ako dahil natatakot ako sa maraming bagay like sa panganganak, breastfeeding, healing stage, postpartum, physical appearance, etc. Natatakot ako dahil iniisip ko kung kaya ko ba ‘to lahat and naooverwhelm ako. Right now, ldr kami ni fiancé dahil seafarer sya and 6 months pa bago sya makauwi. Nagsstay ako sa family nya with his mom and sister. Okay naman relationship namin and okay din yung health namin ni baby. Hindi lang talaga mawala sa puso and isip ko ung takot as a first time mom. Gusto ko rin sana magkaroon pa ng mommies na friends para mas matuto ako and mawala ung anxiety ko. Hindi rin ako nagwowork as of now kaya lagi lang ako nasa bahay dinidivert ko lang ung anxiety ko sa pag aayos ng gamit ni baby and panonood ng movies. Wala rin ako masyadong friends na nakakausap dahil busy sila sa work and ako pa lang ung soon to be mom sa group. :(( Ano pa po kaya ang pwede kong gawin para maging okay? Thank you po all of your suggestions are welcome. 🤗🥺#anxiety #pregnancy