Breech position
26 weeks and nakita thru ultra sound na breech position si baby. Possible kaya na umikot pa siya after ilang weeks? How about sa ibang mommy na same case, kumusta? Any tips po #pleasehelp #firstbaby #advicepls #firsttimemom #bantusharing #FTM #firstmom
Masyado pang early yan beh, umiikot pa talaga si baby ng ganyang weeks. Sa panganay ko noon umikot at exactly 36 weeks(matubig sa loob so kaya nya pang umikot that late,),so nainormal ko sya ng 38 weeks. Currently 35 weeks ako at naikot si baby last 32 weeks sya.
Breech din si baby nung 21 weeks pa lang ako, then kanina lang nagpa ultrasound ako at 28 weeks naka cephalic na sya. Wala naman ako ginagawa, minsan lang din ako magpa tugtog ng music sa may puson. Hayaan mo lang mi, iikot pa naman yan. ☺️
breech baby ko ng 25weeks CAS namin, then transverse ng 29weeks. by 33weeks cephalic na hangang sa makapanganak ako 32weeks ang earliest na ppwesto si baby kaya dont worry, iikot pa yan. kausapin mo lang din si baby. Godbless.
Đọc thêmnaka breech din baby ko nung 20+ weeks pa ako di pa ko nakakapag pa ultrasound ulit pero payo ng Ob september ako mag pa ultrasound para 33 weeks sure na kung umikot si baby im currently 31 weeks and 4days na team october me
ako nung 27 weeks breech position din. sabi iikot pero ending di na umikot si baby masaya na siya na pwesto niya.hahaha I'm on my 36 weeks now. for sched CS na tuloy ako. 🥲
Breech si baby nung CAS nya ng 22 weeks, nagpa scan kami ulit ng 24 weeks cephalic na sya. Sabi ng OB naikot pa daw po, kasi may space pa sya sa loob.
breech din baby ko mula 26 weeks nung nagpa cas ako . pinaulet ng ob ko ultra sound ko nung 36 weeks naka cephalic na sya . iikot pa naman dw po yan
Same tayo mi nag pa ultrasound ako around 25 weeks breech position si baby pagdating ng 32 weeks naka cephalic na😊
minsan po last minute umiikot si baby kausapin nyo lang po ng kausapin at music sa puson
Yessss super early pa yan hehe