Palabas lang po ng nararamdaman :(
26 weeks na po ako buntis. eto pong ioopen ko tungkol po sa pamilya ko. dito pa po kasi ako nakatira sa amin. ung boyfriend ko po dun sakanila. pero pagkalabas ni baby dun na po ako titira sakanila. sa ngayon po kasi stress ako sa pamilya ko. nuon pa po kasi pagdating sa financial issues lagi magulo sa bahay. dahil wala po kaming tatay ako lang po at pangalawa kong kapatid ung nagpoprovide lahat sa bahay. ung mama ko po walang work eversince pero anlakas pa nya. di po namin alam ang reason bakit ayaw nya magwork para matulungan sana kami magkakapatid. apat po kami magkakapatid, ako po panganay. ngayon eto po ung kinakasakit ng loob ko. nung isang araw nagkasagutan po kami ng isa kong kapatid na babae (ung isang may work na kasunod ko). simula kasi nung nagkawork sya and mas kumikita na sakin ng mas malaki parang lumaki na ulo nya. naging entitled at kahit mama ko o ako sinisigawan nya. ako kasi ung taong tahimik lang at ayaw ng gulo. sya naman ung taong maingay, palasagot at palamura. may nasabi kasi sya sakin na nasaktan ako dahil nga siguro sensitive pag buntis at ako diko na napigilan sarili ko at sinagot ko sya. lalo na bilang panganay nawawalan na sya ng respeto sa akin. pero di nya naiintindihan na buntis ako at nung sinabihan ko sya pilit parin ung pagsagot sakin. pinipigilan sya ni mama sumagot pero wala syang naririnig. hangga maiyak na ko sa sobrang sama ng loob ko. nagdecide ako magstay muna ng ilang araw nuon sa bahay ng bf ko para kumalma. umokay naman ako. pero pagbalik ko sa bahay sya pa ung di kumikibo sakin. imbes nagpaparinig pa sya palagi sa akin na sana all daw buntis para di kumikilos sa bahay. na pinaparamdam nya na wala akong kwenta dito sa bahay dahil mas malaki sya kumita kaysa sakin. dagdag pa na buntis ako kaya di ako masyado nakakapagbigay sa bahay. di man lang nila naisip na nung ako pa lang ung nagwowork lahat ng sahod ko binibigay ko sakanila. kahit nagkakandakuba na ako nun sa kakawork, nagkasakit, nadepress pero di nila ako natulungan. dahil ako lang talaga nagpoprovide nun sa pamilya. nakalimutan na nila un ngayon :( si mama kung sino malaki kumita samin un pa ung kinakampihan nya. tapos ilan araw kami di nagkikibuan pero ako nasstress talaga ako kapag meron prob na di nasosolve at di nakakakibuan lalo na sa pamilya ko. kaya kahit kasalanan nya ako na una kumausap sakanya. nung nalaman lahat ng bf ko ung nangyari sakin nagalit sya sa pamilya ko kasi bakit daw hinayaan ung kapatid ko na lagi nalang sumasagot sakin at nagmumura. kaya nung isang araw nung hatiran nya ako ng mga prutas dito sa bahay, gatas, pati ung fave kong jollibee, di nya napigilan ung sarili nya na magsalita at magparinig kahit andito pa ung mama ko. pinagtanggol nya ako. na kapag may nangyari daw masama sa baby namin di daw nya alam magagawa nya. sa twing nalalaman nyang minamaliit ako dito ng pamilya ko pinagtatanggol nya ko. sobra thankful ako sa bf ko kasi di nya ako pinapabayaan palagi. kung pwede lang daw na makuha na nya sana ako dito kaso ung work ko po kasi e online. wala pa kasing internet connection sakanila kaya di pa ko makalipat. pero nagpapakabit na po kami. pag naikabit na yon, makakalipat na po ako sakanila. at ayun nga po, ung mama ko sinabihan ako na parang di na sya boto sa bf ko kasi mainitin daw ulo. na di daw sya nirespeto. dahil nga po sa ginawa ng bf ko na pagtatanggol sakin. pero sa totoo lang namisunderstood lang nya bf ko. dalawang beses na po kasi nya ako pinagtanggol sa pamilya ko. at ayaw ng mama ko un. sinasabi pa ng mama ko na pagvictim ako palagi kaya sobra nasasaktan ako kasi sila pa na pamilya ko ung ganyan sakin :( nabalewala na lahat ng nagawa ko sakanila nuon. dahil di na ako malakas kumita ngayon. sabi pa ng mama ko pag lumipat na ko sa bahay ng bf ko sigurado may masasabi din daw sila sakin :( nakakapanghina lang ng loob. pasensya na po sa mahabang post mga mommy. salamat narin po sa pagbasa ♥️