34 Các câu trả lời
same po ate :< 8 months na po ako 3 yrs bago ko malaman na may second account po ung ka live in ko, at may litmatch pa. Ngatog talaga buong katawan ko nung isang araw, kala ko nga manganganak na ako e kasi sobrang hilab ng tiyan ko 😭 Ang dami niya pong kalandian, at ang mga post nya gusto nya makipag meet up sa mga babae para alam mo naaaa yung ano😭 Di lang isang beses ko nahuli bf ko na ganyan ginagawa nya. pang apat na account na nya yan, nag sesend pa sya ng tittt tas nag vivideo call pa sila ng mga babae na kalaswaan kasama ko sya sa bahay tapos ang tagal ko pa malalaman taon bago ko malaman na ganyan ginagawa nya😭😭 bakit may mga ganyang lalaki😭💔💔💔 hindi pa ako nun buntis ginagawa nya na sakin yun. tapos puro pangako pa syang dina uulitin lalot nat pag nagka anak na eh ano to? 8 mnts na si baby sa tiyan ko ganun parin ginagawa nya ako nmn walang hintong pag papatawad at pag iintindi sa kanya💔 wala akong ginawa kundi mahalin sya, hindi nmn ako mabisyo, masipag namn ako, nge minsan hindi rin ako nag loko💔 nag papaganda ako kahit nasa bahay lang para lang di sya mag hanap ng iba pero no effect padin.. pinag bibigyan namn sya makipag s*x halos nga dati araw arawin nya na ako tapos pag diko minsan mapagbiyan dahil masama pakiramdam ko pag iisipan pako na nakikipag anuhan sa ibang lalaki💔 many times na nag loko sya , hindi lang yung sa paggagawa ng acc kundi pumatol pa sya dati sa pinsan nya at sa naging jowa ng pinsan nyang lalaki, nakipag balikan din sa ex habang kami pa at nung nag aaral pa kami nun sa school may nililigawan din sya kahit kami pa.. ung tipong sawang sawa na ako sa pinag gagagawa niya pero hindi ko parin sya maiwan😭 bagkus mas iniintindi ko pa sya at lalong minamahal, mas pinapa improved ko pa sarili sa kanya ko para lang di ako iwan 😭 same tayo naawa rin ako kay baby parang na fefeell nya din talaga nararamdaman natin😭 nung iyak din ako ng iyak gumagalaw sya at ang sakit ng pag galaw nya😭 ayaw ko din iwan ka live in ko dahil sa diko kaya kundi kay baby din, alangan namang igaya ko din sya sa nangyari sakin na nung niloko ng tatay ko ung nanay ko nung pinag bubuntis ako ay nag hiwalay na sila, at pina ampon pako sa ibang di kadugo💔 na diko manlang nakilalak kong tunay na magulang. 6 yrs and 8 mnths nmn kami ngayon ng ka live in ko kasama parents nya .. sorry po te pati ako nag rant din dito sa post mo😭 wala din kasi akong maka usap, mapaglabasan ng sama ng loob😭💔💔 TATAGAN NALANG PO NATIN TALAGA LOOB NATIN PARA DIN KAY BABY NA MAGKAROON NG BUONG PAMILYA AT DASAL NALANG TALAGA,, NA SANA MAG BAGO MGA PARTNER NATIN SA BUHAY😭😭😭
subukin mo muna sya kung talagang nagsisisi sya at hintayin mo kung babawi tlga sya. kasi LDR nga kayo, nadadala lang sya ng lungkot at pagkasabik sayo, ang mali lang nya sa iba nya hinanap. nadaya lang asawa mo ng demonyo para sirain ang pamilya mo. ayaw ng Dios ng mag-asawang naghihiwalay. kaya ang demonyo pilit sisirain ang pamilyang binubuo. pag sira na kayo at tuluyang nagkahiwalay eh di kayo ang talo pati mga bata kawawa. at ang nanalo sa inyo si Satanas. at ano kasunod? eh di wala na, kasi wala na syang sisirain sa inyo dahil naghiwalay na kayo, kaya hahanap naman ang demonyo ng ibang pamilya na paghihiwalayin nya, hahanap sya ng sisirain nyang pamilya at kadalasang target nyan eh yung mga LDR. subukan mo syang bigyan ng Chance, kahit alam natin mahirap ibigay yun trust na di nya na uulitin. tas ikaw mismo gumawa ng move para matigil sila. maging matapang ka para sa magiging anak mo wag mo hayaan dahil lang sa babaeng yun ibibigay mo naman ang ama ng anak mo sa iba. buti sana kung hindi ka nya mahal. eh di naman nya siguro mahal yun, nadala lang yun ng laman nya. kung baka nasasabik yun sa pagdo nyo, na di nya magawa sayo kaya nakahanap ng babaeng gagamitin ni Satanas para tuksuhin asawa mo maakit sa iba.
tayong ngang tao paulit ulit na nagkakamali sa Dios pro paulit ulit din tayong pinapatawad. bakit Naka pitong putpitong pagkakamali naba sya? choice mo yan. pero wag mo itulad sayo yung magiging desisyon nya. magkaiba kayo at iba ugali ng asawa mo sa asawa nya. bayaan mo syang magdesisyon sa sarili n'yang buhay dahil sya ang maghihirap hindi ikaw. bayaan nating mapagaan ang buhay nya.
hi mamsh. ako po married for 8 years and for the first time naranasan kong masaktan ng dahil din sa nag iisang babaeng pinag awayan namin noon, its been 5 months since tinapos na ng asawa ko ang namamagitan sa kanila. nahuli ko sila as in umamin pa ang asawa ko sa lahat ng ginawa nila. tumatakas sya sakin habang tulog ako, 3 beses sya tumakas, 3 beses may nangyari sa kanila habang critical ang pagbubuntis ko sa bunso namin. 1st time nya ko niloko at alam ko kung bakit dahil nakita ng dalawang mata ko ang mga messages ng babae kung paano nya inakit at nilandi ang asawa ko. sumusuko na ako nung mga panahon na yon pero alam mo mamsh ang ginawa ko? ipinaglaban ko. inisip ko ang lahat ng pinagsamahan at pagmamahalan namin. mas nanaig ang pagmamahal ko kaysa sa kasalanang ginawa nya. hanggang ngayon hindi ko parin maiwasan maisip yon at banggitin sa asawa ko pero araw araw ko nakikita at nararamdaman ang pagsisisi nya. nakita ko na mahal nya ako over sa babaeng yon dahil mas pinili nya ako kaysa sa babaeng yon. para sa akin po is piliin mong ipaglaban sya araw araw para bandang huli po ay wala kang pagsisisihan☺️❤️
sang'ayon Po aq Kay anonymous,try to give him another chance mommy,hindi naman totoo ung cnasabi nilang "once a cheater always a cheater" at proved qpo Yan sa Mr.ko, na try q din pong lukuhin ng Asawa q Nung mg'bf/gf plang kami pero binigyan q xa ng chance at Hindi lng once or twice,maraming beses Po,pero cmula Nung nagkaanak at kinasal kami mas naging mapagmahal xa samin ng mga anak namin at mas naging responsible na Asawa at ama,Minsan kailangan din nating isipin ung partner natin kung bakit nagagawa nila ung mga bagay² na Hindi dapat at alamin kung may naging pagkukulang din ba Tau bilang LIP/Asawa nila,at kailangan din nating isakripisyo ung Sarili nating kaligayahan para sa anak or pamilyang pinagdesisyunang buuin,qng kaya pa'namang ayusin at bigyan ng chance why not Po dba,pro qng sobrang sakit na talaga ung tipong parang naiicpan munang gumawa ng Hindi mabuti e'di let him go nalng Po,.pero bilang Isang Ina kailangan Po munang pag icipan ung magiging desesyon kung magiging mabuti ba para sa mga Anak😊
Mommy ok lang na umiyak ka. Pero sana wag mo muna i close ang door mo sa kanya. Hintayin mo muna siyang umuwi para mas magkaroon ng klaro ung mga pangyayari. Di mo rin naman kelangan magdesisyon habang galit ka. Sa ngayon pinakamagandang gawin mo ay ilabas mo yang sama ng loob mo, umiiyak ka hanggang gusto mo, para lang maibsan yang sakit na nararamdaman mo. Huwag mo rin muna bilangin lahat ng mali niya, try mo rin balikan mga magagandang nagawa niya sau at sa pamilya niyo. Hanggat may care siya sa inyo at sa anak niyo ok na muna un ngyon. Hanggang makaraos ka sa panganganak mo. Hangga't ikaw pa rin ang pipiliin at uuwian ng asawa mo wag mo muna sukuan please!! para sa anak mo!! Huwag magdesisyon ng galit MOMMY!! GUSTO MO LIVRE KITA HEHEHE PARA NAMAN GUMAAN PAKIRAMDAM MO! Buntis rin me ngyon eh. Tara buntis bonding muna at kalimutan yang mga sakit sa ulo. 🥰🥰🥰
I'm so sorry you and your baby are going through this. Your husband clearly has no respect for you, pinag-awayan niyo na dati pero inulit pa niya. If your husband can't respect you, please at least have some respect for yourself and your baby. Dalawang beses na niya ginawa, if you stay papangatlo pa yan, and "you deserve what your tolerate" na. Cheaters never change, nagiging magaling lang sila magtago, I grew up in a setting where my male role models were cheaters, yung tito ko namatay nalang na cheater siya. My father cheated on my mom and iniwan kami, pero masaya kami. Kung hindi niya kami iniwan malamang toxic yung kinalakihan kong pamilya. I don't agree with the sentiments na "kawawa yung bata, walang kikilalaning ama". Mas kawawa ang bata na lalaki sa toxic household, baka magkaron din ng traumatic experiences, or isipin niya na normal ang cheating.
LOUDEEERR!! I agree dito.
Hello po mommy, I totally understand what you're going through right now. I have experienced the same thing meron involved na other girl and it started lang while i was preggy. We really cant find the answers as to why nagagawa ng husbands natin yan while we are carrying a precious life inside of us. But one thing is for sure, GOD is in control. Surrender mo po lahat ng worries and pain mo sa Lord, He will sustain and strengthen you. Dami po nag advise sakin na wag magpadala sa problem kasi kawawa si baby sa womb 😪 So kay Lord po ako kumakapit, di ko po kakayanin pag ako lang lalaban, mabuti ng may Diyos na natatakbuhan at nasusumbungan. Hindi ka lugi pag kay Lord ka mag hope. Pray mo po yung situation nyo, yung husband mo at yung baby nyo po na protected always. God bless you po! Kaya natin to momshie ❤️ sending hugs!
Cheer up mommy! Hindi biro ganyang situation. Ipagpray mo na maging okay ang lahat gagaan din yang nararamdaman mo. Kung nararamdaman lang ng mga lalaki paano mag buntis tiyak na mahirap para sa kanila. Sana may mga lalaki pa rin na mamahalin ka ng tapat kahit saan at kahit sino ka man. Minsan lang makahanap ng lalaki na rerespetuhin ka after all lalo na when you give birth na and makakaramdam ng sakit. Di biro manganak at magbuntis, so sana alam nila yung salitang enough and respect sa partner nila. Pero mommy lagi mo alalahanin si baby sa tummy mo at wag ka papaapekto. Kumain sa tamang oras and magpahinga ka kung napapagod at mag relax kalang. Hayaan mo siya maghabol sayo. We are enough and deserve naman nating sumaya. God bless mi i hope gumaan na pakiramdam mo.
"Fool me once, shame on you. Fool me twice, shame on me." Opinion lang naman momshie since dito ka nag-open ng saloobin mo, kung naisip mo pang kaya mo syang patawarin at iwan, go mo na. Para kasi sa akin pag nasira na ang tiwala, mahirap na ayusin, at kahit bigyan mo sya at yung relationship nyo ng chance, paulit ulit mo lang yan babalikan sa isip mo, lalo na ngayon at soon-to-be mommy ka na, iba ang effect nito satin momshie 🥺 Sobrang sad na nangyari sayo 'to ngayon pa na pregnant ka 😥 Kung ano man ang maging decision mo, I'm hoping na maging okay ka para sa anak mo ❤️ God bless you, mommy!
same case po sa akin buntis din po ako ngayon at hindi lang isang beses.. 4 na beses na. hindi ko rin sinasabi sa pamilya ko kasi ayoko din na masira sya s knila at alam ko na papauwiin na nila kmi. hindi kami kasal pero, hindi ko rin siya maiwan kasi gusto ko ng kumpletong pamilya. ilan beses ko sinubukan umalis at iwan siya pero di ko magawa. naisip ko mg anak ko. may doubts pa rin ako hanggang ngayon at pinagdarasal na sana nga di na nya ulitin tulad ng pinangako niya.
Anonymous