24 Weeks ultrasound ko. Hindi pinakita sakin ng obgyne kung ano itsura ni baby sa monitor. Masama loob ko. Pang apat na ultrasound ko at sa kanya lang ako nakatikim ng pagsusungit at hindi man lang ako kinausap. Saan po may magandang ultrasound na mabait ang titingin? Wag kayo magpapakuha ng ultrasound sa PGH, masungit na nga yung nurse, pati doctor masungit. Ayaw ko ng mabastos ng ganun ulit. Hindi naman mura ang binayad ko at porket nakapangtulog ako na damit ay hindi na ako dapat bigyan ng respeto. Mahigit 1.5 hours din ako naghintay sa mag-uultrasound, di na ako makaurong dahil bayad ko na.
Excited ako makita ang itsura ng baby ko ngayon ang kulit kulit na niya sa tyan ko bago wala pang 10mins, tapos na ako kunan ng hindi man lang pinakita sakin at nagsalita. Naiikot naman ang monitor, hindi naman ako tanga. Wala naman pong masama magsama ng loob diba??? Sa lahat ng ultrasound ko bukod dito, lahat ineexplain sakin at pinapakita.
Anonymous