Vitamins ( NEED HELP )
20 weeks and 1 day preggy po ako today. ( April 21, 2020 ) Sobra po akong nag aalala kasi hindi na po ako nakakainom ng gamot since April 16. ??? Dahil sa ECQ, hindi pa po ulit ako nakakapagpa check-up para malaman yung next na irereseta sakin ng ob ko. April 15 po ako natapos sa pag inom ko ng Multivitamins Caloma Plus capsule at Eazycal tablet. Baka meron pong ob dito or may alam kung ano pong next kong iinumin or kung itutuloy ko pa din po yung last na reseta sakin. Worried po kasi ako. Dahil pang 6 days na po today na di ako nakakainom. Sana po, matulungan nyo ko.
For Second Trimester Mommies ( 15-28 weeks) na wala complication ang pregnancy. Eto naman ang usual na tinitake ng mga Mommies sa ganito age ng pregnancy nila: 1. Multivitamins 1 cap/tab once a day ( 1 pair if cellsentials ) 2. Calcium 1-2 tabs per day 3. Iron (ferrous) or Folic Acid + Iron ( sa mga alaga ko)- 1-2 caps per 4. Ascorbic Acid ulet- 2 tabs per day ( total of 1 gram per day) Yan lang ang mga prenatal vitamins na madalas namin pinapa take sa mga buntis. again, sa mga alaga ko, wala maternal milk, hindi ako fan nyan. meron kami minsan dinadagdag na supplement pa sa mga buntis depende sa case nila ( Fish oil, probiotics, magnesium) Lahat yan dire direcho nyo lang i take hanggang manganak kayo, hanggang postpartum period. Ano brand? Kahit ano brand pwede naman. Again kung wala pambili, mag natural sources na lang kayo, foods rich in those mentioned above ( paki google na lang) Gusto ko sana ilagay mga laboratory exams na ni rerequest namin pero pano kung mag sara na din ang mga laboratory center at mag total lockdown na area of residence nyo kaya wag na lang. Dito nyo na ma appreciate ang movement ng baby nyo: 16-18 weeks pag Gravida 2 pataas 18- 20 weeks pag first time mom Dito pwede na magpa ultrasound sana for gender pero pwede naman wala ganyan diba. Sa special cases pwede na din gawin ang congenital anomaly scan. Ang challenge lang is if meron pa ba open na ultrasound center. So kelan dapat magpa consult na sa OB nyo? Kapag may vaginal bleeding, abnormal vaginal discharge, watery vaginal discharge, grabe pagsusuka at pagtatae, headache,blurring of vision, severe epigastric pain ( sikmura, parang nag heartburn), mataas na presyon ng dugo, uterine contraction na may kasama low back pain, hypogastric pain ( sakit sa puson) at vaginal bleeding, decreased fetal movement. Sa mga patients ko pwede nyo muna ako i chat kapag na feel nyo yan. Kung wala ang mga nabanggit sa taas, stay put sa bahay. Matakot kayo kasi buntis kayo, mababa ang immune system ng buntis, nakikita nyo sa balita na mga elderly ang madalas tinatamaan ng Covid and sila din kadalasan namamatay. Kaya ganon kadami namatay sa Italy kasi ang laki ng population nila ng matatanda. Bukod sa elderly, kasama kayo sa hindi ok maging target ng Covid-19. Ang gagawin nyo lang mag relax sa bahay, mag exercise, kumain ng maayos, uminum ng marami tubig everyday, iwasan na ang carbs at sweets, matulog ng maaga at wag mag worry. Pag na stress kayo mas mag weaken pa ang immune system nyo. Pwede din kayo mag netflix, mag facebook, youtube and mag basa ng Bible. 28 weeks pwede na kayo mag start ng daily fetal kick counting, sa mga may mga complication na buntis, mas maaga usually namin ina advise ito. Ang best time mag count, after kumain, so hindi pwede na dinner time na pero ang last movement nung breakfast pa. So gawin nyo hobby na ito starting at 28 weeks, every after meal, pag naka 10 kayo in 1-2 hours ok na yan, stop counting na. Mas maganda na ilista nyo sa notebook para makita nyo if may pagbabago sa activity nya. Wag kayo mag worry na hindi ma heartbeat ang baby nyo, basta gumagalaw sya as expected, un ang clue nyo na ok lang sya. Alam nyo ba na kapag na kapag hindi ok si baby, mauna makita sa activity nya un, mas mauna kesa pag panget ng heartbeat nya. Kaya kelangan na ma monitor nyo yan lalo nasa crisis tayo ngayon. Ako nasa bahay lang, umaalis lang ako pag may nag lalabor, as of today naka 27 babies na ko, walang covid covid sa mga babies natin na time na lumabas hehe. Nag uupdate lang sa kin mga term pregnant ko. Mas mahirap naman pag ako nag positive sa Covid-19 ano. Kaya sana please cooperate with the government, time nyo to magpa bebe muna sa bahay nyo. Wag na kayo makipag chismisan sa kapitbahay nyo muna. Kaya natin to. Lilipas din to. God is watching over us believe me. Tulog na kayo ng 10 pm, un ang best time para matulog. #quarantinetipsparaSaBuntis This is copied from Dra. Bev Ferrer post.
Đọc thêmHi sis, EAZYCAL tablet kasi yung prescribed sakin ng OB ko. Nakita ko sa Box is NOT INTENDED FOR PREGNANT. Naitanong mo ba sa OB mo regarding sa EAZYCAL?
https://www.mims.com/philippines/drug/info/eazycal?type=full Ang alam ko, calcium med yun sis. Hindi naman ipre-prescribed yan ng ob ko kung bad sa pregnancy ko. Lagot ang licensed nya. 😂
Nurse mompreneur