75 Các câu trả lời

TapFluencer

Ano po un advice nun Ob niyo? Dec 29 ako nanganak, after 1 week, pag tanggal nun bandage,sinabihan ako ng OB na pwede na mabasa un tahi ko. Pina extend ko lang ng another week before ako naligo. And so far wala naman naging problem.

Tingin ko best is to ask un Ob mo kung ano ung ginamit or ginawa sayo. Kasi madami types ng pag sara ng sugat. May iba doctors parang stapler un sugat, may iba na-aabsorb etc. but un sinasabi ko sayo is based sa experience ko. :)

CS din ako, after 1week binasa ko na, then 2nd week magaling na sya sa labas. After 1month di na ako nagsusuot ng binder. 3.5 months na ako now, malikot na daw ako matulog sabi ng asawa ko 😂😂 Konting kirot na lang pag malamig.

ako din mommy nakakagalaw nang maayos. comfortable na lahat pero natatakot lang talaga ako Kaya hindi parin ako nag tatanggal nag binder. ganito na po itsura ngayon

Sa una ko pong baby un din po ang advise ng OB after 1 week ay maligo at basain na ung sugat at wag ng maggasa at binder..lagyan n lng daw ng betadine and no no sa alcohol....mag binder lng daw pag lalabas ng bahay😊

yung saakin nagkaganito. Ok lang ba to mga mommy? first baby ko ksi normal delivery. Sa bunso ako na ECS. going 6mos na si Lo. Never bumuka or nagsugat tahi ko. Ito lang prob ko kung paano magllighten at ninipis keloid.

contractubex po

bakit po advice sakin ng ob ko eh everyday maliligo? im currently 2 weeks na since na cs ako at everyday talaga ako naliligo tsaka si lip lang nag dedressing sakin. alcohol tsaka betadine lang pinapagamit ni ob sakin.

ma'am ganyan din po advice sakin 1 week after ko ma CS. maligo daw po ako at wag nang mag gagasa. pero natakot po akong makuskus ko siya kaya until now nag gagasa parin ako. 2 months and 13 days na po ako ngayon at ganito na po itsura niya

VIP Member

as per my OB 1 week orn2 weeks after ko ma CS pwede na maligo at basain ang tahi kasi need din ma linisan basta tuyuin mabuti at mag gauze pa din. after matanggaal nung end suture ko hindi na ako nag gagasa.

my case po ba dito na bumuka ang tahi ano ginawa nyo? mag 3 weeks na kc tahi ko kaso bumuka ung sugat ko. sana matuyo na at magsara. d na din ako nag binder para madali tumuyo. pag lalabas lang dun ako magbinder.

yung sakin kc di nako nag binder para daw madali matuyo. mag binder lang ako pag lalabas ng bahay. wala din naman ako masyado ginagawa. bacroban nireseta sakin ng ob ko tapos linis lang ng betadine at agua. nireseta din ako nung chlorhexidine digcluconate na hyclens panglinis din. sana matuyo na nga at mag sara. hirap kumilos e lalo na pag karga si baby.

ako after 10 days hindi na ako pinagbinder para gumaling agad ang tahi. once na tuyo na ang sugat hindi na ako nag gagasa. though takot akong basain ang tahi ko pag naliligo ako pinaplastik ko pa talaga.

VIP Member

hi mommy same tayo. 2months na rin ang tahi ko, di ko inaalis binder ko. tas medyo di pa ganun kakapal ang balat sa labas, kaya kahit tissue lang tinatakpan ko ang tahi ko. para di magasgas sa binder.

CS here. Bikini Cut. 2 weeks healed na sugat ko at di na ko nagbibinder or naglalagay ng kung anu-ano sa sugat ko. hinayaan ko lang as long na malinis ka. Cetaphil Antibacterial gamit ko sabon panligo.

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan