Ganito po ba talaga?

2 months and 10 weeks na po akong buntis. Yung mister ko umalis 1 week ago na at maghahanap ng work doon sa province nila, naiwan ako dito sa province ko. Mula noon mag-isa lang ako dito sa maliit na tindahan ko, minsan nakatingin lang ako sa labas tapos bigla na lang akong iiyak. Maya maya lang akong naiyak. Minsan nararamdaman ko pa ang lungkot. Tinatamad ako gumalaw, tinatamad ako kumain, ayoko kumain ng kanin. Tapos ngayon lang 1 week na ng umalis sya, gusto ko lang naman syang makausap pero umalis sya nagpunta ng mall kasama ang mga kapatid nya at di man lang nagchat kung aalis na ba o nakarating na sila. Nagalit ako, kung anu-ano na pinagsasabi ko, sya ganun din. Inaaway nya din ako. Iyak na naman ako ng iyak.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hormones lang po yan at normal yan sa buntis. Ganyan din ako nung umalis Mister ko, madali akong maiyak at madalas nakatulala tas hndi masyado makakain kasi wala akong kasabay na kumakain. About sa Hubby mo, medyo insensitive siya, alam nyang buntis ka pero inaaway ka niya depende na lang po kung may nasabi kayong kinasama nya ng loob. Sa sitwasyon nyo po, dapat alam niya yung mga nangyayari at nararamdaman mo, ipaalam mo sakanya in a good way like "ganito pala pag buntis, nagiging emotional, dati naman hndi ako ganito." Kasi yang mga lalaki na yan hndi po nila alam ang nararamdaman at nangyayari sa katawan natin. And take note po, hndi lang babae ang nagkaka PDD (depression) pati po mga Mister kaya think twice po sa mga sasabihin. I hopenit helps po 😊

Đọc thêm