Bakit po maliit yung tiyan ko 4months preggy, parang bilbil lang po talaga nakakabahala 😔😔
Ease your mind mommy, may ganyan talaga :) If normal naman lahat sa check up mo, there's nothing to worry about. That might work as an advantage pa sa delivery mo, minsan mas preferred ng mga OB kapag maliit lang si baby (syempre sakto padin sa buwan and healthy) para mas madaling ilabas. Less hirap din sayo mommy. Goodluck and Godbless 🤗🤍
Đọc thêmNako same tanong ko to. 4 mos na ang tiyan ko pero mukha lang din akong busog. As in bilbil lang mararamdaman mo. Although may roundness na yung puson ko pero pag nakatayo ako, mukha lang akong mabilbil. Sabi ng ibang mommies, normal lang daw na maliit pag 1st time mommy. Soon naman uumbok na yan. Papashow off na si baby in a few months ☺️
Đọc thêmganyan po talaga sis wait kalang po lalaki din yan ❤ wag po kayong mastress mastress nakakaawa ang baby pag stress ang mommy ... enjoy mo lang ang journey mo habang preggy ka pa wag puri negative ang nasa isip allways positive lang and smile godbless sa baby mo sis.. ❤
wag ka po magtaka mii kung ganyan kasi first time mo palang din naman, ako kasi hindi naman ako nainip agad sabi kasi nila lolobo lang daw bigla pag mga 7-9 months pa tho naiinggit ako minsan sa iba na malaki yung tyan haha. pero okay lang as long as alam kong okay si baby sa loob.
normal lang yan sakin din dati 8 to 9months lang lumaki pero parang 5montgs lang tignan kung ikukumpara sa ibangbuntis tapos ang maganda di ganun kalaki tyan mo pag nanganak kana 😊 at normal naman ang baby ko at healthy siya😊3kg siya nung lumabas hahaha
20 weeks po madalas lumalaki ung tiyan natin mommies, mas maganda maliit kase hindi ka mahihirapan manganak and Maganda kahit maliit tiyan natin maintain natin na dapat healthy parin si baby at tama yung laki nila 😊😊🥰
Yes sis, same sakin maliit ako magbuntis 24weeks na ako today pero para 4months lang yung tiyan ko .. then kapag nkatihaya ako para lang akong busog pero ramdam ko yung mga active movements ni baby lalo na sa gabi ..
meron po talaga instances na ganyan mommy. Sa case ko nga is 5 months na visible or halata na buntis ako...no need to worry nmn po kung sakto lang sa weight po ang baby at proportion sa weeks. old nya...
normal lang yan mii ganyan dn sakin hanggang 6 months tapos nung kalagitnaan na ng 7 months biglang lumobo 8 months na ako now pero maliit pdn compare sa iba pero visible na sya ngayon😊😊
normal kapg payat ka, 45kls lang ako before pregnancy tapos 4 mos ako parang busog lang ako, hanggang sa nag 47, 50, 51 tapos ngayong 6th month ko 54kls na ko hahaha 🤦♀️
PROUD #FTMOM, FULL TIME WORKING MAMA FOLLOW ME: instagram.com/mamayk_explores tiktok.com/@mamayk_de