26 Các câu trả lời
nag ganyan panganak ko before nagwawala sya pag hindi nakahawak ng gadget or biglang kinuha ang gadget sknya... pero hinayaan ko lang sya magwala tinago ko yung gadget tlga kasi nagiiba attitude nya pag hindi sya nakahawak, mas nakkatakot pag napabayaan at tumagal.. onti ontiin mo pagtanggal ng gadget,bigyan mo ng oras pero wag mo sasabihin sknya kasi pag natandaan nya yun mahirap ulit sila kausapin, sabihin mo lang (10minutes nlng baby) tas alternate mo ibang bagay like drawing, coloring tas playtime kayo minsan.
Hello mommy! Try downloading "FAMILY LINK" app, where you can control your daughters device. May clock din ng hours na gusto mo pagamit kay Lo ang phone mo, tapos pag bedtime na automatically mag lock ang phone nya, hindi nya mabubuksan unless ilagay mo parent code. Tapos ma aaccess mo din lahat ng dina download nya pati mga sinesearch nya sa browser :) hope this helps
Bigyan po ng ibang pagkakaabalahan. I'm a teacher po by profession, meron po akong mga tinuturuan na sobrang laki ng effect ng gadget sa knila, like panglalabo ng mata, short retention and attention span. Bigyan nyo lng po ang kids nyo specific na screentime and the rest iba pong pagkakaabalahan. Like toys or something to study po.
introduce her to other activities. better yet,do the activities with her. draw with her,paint with her,do arts and crafts with your kid.its a good way for her to learn and have fun ,and at the same time,its a good way for you to bond. In that way,she wont depend on gadgets alone.
Yung sa anak po ng kapatid ko. Nkita nila epekto sa mata ngsisimula ng magluha luha ang mata, dun sila naalarma, ng eexample sila kapag di siya nilimitahan baka magsalamin siya at magkukurap kurap ang mata. Pag sinabi hindi magcecellphone HINDI talaga. Kahit magwala ang bata.
yung anak ko 3y/o sobra din sya mag gadget before nagigising pa sya sa madaling araw para mag youtube, ang ginawa ko hindi nadin ako gumamit ng cp sabi ko wala na kami cp ayun okay naman, mas nilaro nya nalang yung mga toys nya, minsan naman nagdo drawing at nagsusulat sya.
I-divert mo sa iba like drawing o maglaro ng toys o sa music. Yung panganay at pangalawa ko may kanya kanyang cellphone pero may araw at oras lang sila pwede gamitin. Tapos bumili ako ng chess saka snakes and ladders para pang bonding din namin. 😊
Ako sa tv ko nalang pinag yu-youtube anak ko. Pag nagsawa siya kakanood nagdu-drawing nalang siya o kaya ay takbo2 sa bahay tulak2 upuan kahit maingay ok lang. Pag sinabi ko bawal cp bwala talaga.
Yung teens ko I give them scheduled chores. The 11 yo naman I set a play time for him naglalaro pa rin kasi ng toys and I try to get him new ones kahit second hand lang para ma engganyo maglaro
struggle ko din ito. pag feeling ko my daughter had too much gadget use already, i offer her other activities; labas sa bakuran, laro ng toys nya, arts and crafts
Ma Isabel Paula Navares