Wala hospital na mayron pa incubator

#1stimemom San pa po kaya public hospital ang may incubator pa? May 10 confirm sa ultrasound na kaya panay spotting ako ay open cervix na ko 1.4 cm 28 weeks pa ako non sa tvs ko. bedrest inom ng pampakapit umayos nmn nawala natigil ang spotting.pero ngaun 32 weeks na po pero ung hospital lmp binabatayan 31 weeks daw nag spotting nanaman po ako so humiga po ako at naglagay ng unan sa balakang maya maya nakaramdam po ako na may lumalabas na sakin tubig panubigan ko napo nag leak na.naka anim na hospital na po kame una po sa East avenue 3cm na daw po ako wala po sila incubator puno na. so sabi mag hanap nadaw po kme nag iba hospital. Nalilito na kme nag tanong nlng kame sa mga taxi 2nd hospital po Quirino hospital wala din po incubator. 3rd Sa Amang Marikina wala din po. 4th Mcu private sobra mahal nmn. 5th Fabella ie ulit 1 cm naman ako wala sila incubator pero may offer sila iadmit ako pero mang yayare sa anak ko mano mano bomba ng isang nurse per dalawa bata. Ang liit daw po ng tyan ko at ng ulo ng baby ko daw po. So advice po sakin na mabait na doctor na wag ko daw po isugal ang anak ko dahil 31 weeks palang at maliit incubator po talaga need kesa mano mano bomba hangin ng nurse po. 6th hospital ng maynila wala din po incubator. Nalilito na po kame hindi na po nag leleak ngaun at wala na naman po sakit na nararamdaman mag 12am na po kaya umuwi na mona kame.heart beat lng po na monitor ng east avenue at fabella po sabi ng asawa ko po pakiramdan ko mona daw po pero iniisip ko po kung ok pa po ba panubigan ko para kay baby. Tatawagan nlang daw namin iba pang hospital. Naka 7 taxi kame kanina. Ano po kaya maganda plan po para po bukas na gagawin po nmin. Sorry po napaka haba naguguluhan na po kase isip ko at nag aalala po ako sa first baby ko po. Sa health center lng po ako nag papa check up at isa beses lng po ako sa ob hindi po nmin kaya dahil natigil po ako sa trabaho asawa ko po napupunta sa graduating ko po kapatid sahod nya wala sa minimum. Salamat po in advance

2 Các câu trả lời

Sa MCU po meron silang social welfare. Wala po ba kayong philhealth? Dati po kasi nung niraspa ako sa MCU, for some reason nilagay nila ako dun sa ward na merong social welfare. Wala po akong work that time pati yung partner ko so wala din kaking philhealth. From 30k parang 7k lang binayad namin. Matagal na po yun so medyo di ko na naalala. Try nyo po uli sa mcu at ask nyo po kung pwede kayo mag SWA baka sakali po para masure ang buhay ni baby kesa sa mano mano na bomba. Ingat kayo ng baby mo mi.

Mas malaki chance pag nag private ka mii, yong pera kikitain nyo pa yan. Do everything to save your baby.

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan