11 Các câu trả lời
Magkakaiba naman po ang mga mommies magbuntis. May malaki magbuntis may maliit. Ganyan din ako dati, nung early stage ko dami nagsasabi bat maliit tyan. Pero in most cases, 5 to 6 months po lilitaw ang baby bump.
ask ko lang po normal lang po ba na sumasakit balakang ba yun o likod basta po sa bandang baba yung parang nagkacrack yung mga buto ko po kapag nakahiga na ako im 11weeks and 2days po preggy
ako nga po 6months na noon mukhang bilbil lang 8months na po lumaki tiyan ko at nahalata, 9months na ako akala nila 6months palang ako
maliit ka lang po magbuntis kaya dipa halata, pero saken baka malaki ako magbuntis 11 weeks palang parang 5months na sa laki
ganon ata talaga mommy usually pag firsttime mommy 😀 wgka masyado magalala lalaki din ang bump natin pg 5months na
Ang baby bump daw po minsan nababase din sa age ng mother at sa heigth po natin .Especially pag first time mom po
15wks dn ako mommy pero mukhang bilbil lang. for me pabor sya kasi no need for maternity dress pa 😆
magkakaiba po kasi tayo magbuntis, in my case halatang halata na si baby ko sa tummy ☺️
Hello. Ganon po talaga usually mga 21 weeks pa bago mahalata ang baby bump.
14 weeks po ako today maliit din po tiyan ko parang bilbil lang 🤣
Aji Adriatico