18 Các câu trả lời
ako suhi si baby noon 5th month ko, then i tried to put music sa my lower pelvic ko. then after one week, nagpaultrasound ako cephalic na sya. God will make a way. nasa tao ang effort. Go lang mommy. may pag asa pa. 🙏 8 months na din ako, ang still nag papatugtog prin lagi ako sa lower pelvic ko pra sundan nya. kausapin mo lang ng kausapin. and pag matutulog ka po as much as possible kung kaya all the time naka left side lying position ka. 🙏🙏 update mo ko kung naging effective sau. dont lose hope🙏 keep on praying mommy 😊
kami po noon, since maaga pa naman (6 months) nagtiyaga kami magmusic every night sa bandang puson ko. the next check up namin, cephalic na si baby. naturally, umiikot naman daw po talaga sila kapag palabas na, pero kapag po medyo malaki na katulad sa inyo na 8 months, mahihirapan na daw po siyang umikot since wala na gaanong space. May exercises naman din po na available para makaikot pa si baby, pwede niyo pong i-try 😁
mommy best thing to do is mag lagay ka ng speaker malapit sa ibaba ng puson mo. hinaan mo lang yung volume. wag cp ang gamitin mo kasi may radiation o kaya kung wala ka speaker, iairplane mode mo ung cp mo. search ka sa youtube ng mga mozart music or worship song. yun patugtugin mo maganda sa development ng brain ni baby. then kausap mo sya na sundan nya ung music. araw araw mo sya paalalahanan. try mo lang wala mawawala
7months nlaman kong suhi yung baby ko kaya nag pa advice ako sa midwife anong gawin kapa g suhi yung baby kaya sabi ng midwife sa left side ka palagi matulog para umikot si baby at maglagay ka din ng unan sa likod mo at palagi mong kausapin si baby para umikot siya .. kaya nung nag pa ultrasound ako uli noong 9months na ang tummy ko nag pasalamat ako kay papa GOd kasi CEPHALIC POSITION na yung baby ko 😊😊
Possible na iikot pa at pwede ring hindi na po kasi masikip na ang ginagalawan ni baby sa loob. Try niyo po magpa music sa may bandang puson or magpa ilaw. Yung kaibigan ko po kasi, dina naka ikot baby niya mula nung 5mos. she tried everything na para umikot pero ang ending CS siya.
iikot pa yan mommy ako nga 38weeks& 3days n bgo umikot kala ko din cs. n ako isked n sna ako for cs. tas last ultrasound nka pwesto na.. thanks god! eto waiting nlng n mag labor @ 39weeks😊 pray lng po at lagi mag music sa baba at flashlight iikot din yan
nun 6mos c baby sis na detect na breech din cya.kahapon 8 mos na cya thank you lord at cephalic position na..❤️ pray lng sis at kauspin mo c baby.
ako po 6 months plang kaka ultrasound ko lng kahapon for gender thanks tas sabi ng pinag ultrasound ko naka posisyon na sya .....
hindi nagbago saken kaya na-CS ako di na ren sya makaikot kasi kulang na sa tubig. increase fluid intake ka po baka sakali. 😅
kaya pa yan momsh. iikot pa yan. kausapin mo si baby na umikot na, lagi mo po sya kausapin para mastimulate at gumalaw galaw.