65 Các câu trả lời

ang sakit nyan. ganyan din kaso ng baby ko non, papunta pa lang sya sa rashes non naagapan ko dn, d sya hiyang sa ibang diaper, lampein lang din sya, namumula mula sya bago matuluyan magkarashes nung ibang diaper pinagamit ko, d sya hiyang sa eq at huggies, nung napapansin ko ng may pamumula na, pinagamit ko padn diaper na kung san sya di hiyang pero monitored ang palit,every 3-4 hrs palit agad pagmay poop lalo na palit talaga agad, tapos nilalagyan ko ng petroleum jelly nawala dn sya. and before lagyan ng diaper tuyo dapat ang area, pasingawin mo ysn wag muna magdiaper

Mommy anyare? Lumalang rashes ba yan? Nagsugat na mii.. Pag ganyan much better paconsult kay pedia para tama po ang maibigay na gamot. Kawawa naman kasi mi baka mauwi sa infection kaya kahit baby boy po ugaliin lagi malinis ang private area po at wag masyado ibabad sa wet diapers dapat palit agad every 3hrs... saka use cottonballs with warm water muna. Sa ngayon po mainam na wag muna pasuotin ng diaper.. lampin nalang po muna. At tulad ng sinabi ko po pacheckup po agad si baby

Hi mamii. baka sa diaper nya hindi hiyang or medyo napupuno sya at di agad napapalitan. mahapdi po yan para kay baby. pwede rin sa wipes or cotton balls. pagka huhugasan si baby wag madiin ang pag rub sa skin ni baby. gentle lang po. si baby ko nasanay sa petrolium jelly. konting red lang pahid ako agad hehe. kase alam ko paano nakakairita yan pagka lang sa napkin everytime na mag wiwi ako as much as possible palit agad. lalo sila pag wiwi si baby stay lang sa diaper ang wiwi nya. kung medyo dumami mamii visit kana sa pedia po.

pacheck mo na po sa doktor para mabigyan ng tamang gamot o ointment kay baby anak ko nag ganyan nakaraan sa my pwet naman yung kanya turning 5yrs old sya unang ointment nireseta sknya calmoseptine medyo gumaling pero di pa nawawala tapos ayun nung kinakamot ng anak ko bumalik kmi sa doktor nireseta sknya worth 500 na branded sya na ointment ang bilis naka galing at my antibiotic din sya na iniinom nung una tapos my pinainom din sknya uli ayun gumaling na

Mii. try nyo po Zinc oxide-rashfree po, yan ginagamit ko kay baby pag may rashes na ganyan.. Pagka nagche.change ng diaper hugasan nyo po muna ng maligamgam na tubig at dapat dry bago lagyan ng cream.. incase na nagsugat na mas mabuti na pacheck up nyo na kaso baka magka infection pa.. pwede kayo i.advice ni pedia na magchange ng diaper, other ointments and remedies.. kawawa si baby nyan talga, mahapdi yan .😔

Consult pedia mi. Yung sa baby ko ganito rin itsura 2wks ago lang tas lagi pa sya kamot, di tumalab yung calmoseptine at elica then nag reseta nlng pedia nya ng anti-fungal cream 😢 fungal na pla ang nangyari kasi dun lang gumaling si lo, yun lang tumalab.

Wag mo muna diaper mi, hayaan mo lang na nakasingaw private area ni baby. Baby ko nun lagi lang naka takip ng tela. Kaya maya't maya palit din ako ng damit kase lagi ako naiihian, pero worth it, walang rashes baby ko. Gabi lang sya naka diaper, tipid pa.

mommy, better seek pedia advice rather than random comment kasi mukhang sugat na sya and may lead to infection. besides pedia might recommend antibiotic na need ng reseta. pwede dalhin sa center yan if walang budget for private consult.

since birth lampien diaper ni baby tpos po meron nagbigay saakin huggies diaper pinagamit ko kay baby ko mga ilan araw nagsisimula na sia magkarashes na po tinigil kuna po sa huggies balik lampien napo uli ako . kya po nagkaganyan .

same, yung newborn ko now huggies ang gamit nang isang linggo hanggang napansin ko na medyo namumula na ang singit niya. kaya nagchange ako agad ako sa pampers.

wag muna gumamit ng wipes miiii,, cotton po muna and warm water ipanglinis kay baby,bili kapo calmoseptine mabisa din po yun sa diaper rash,,and wag na hintayin na super full nappy ni baby before changing po,,,get well sooon,,LO

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan