anu pakiramdam pag nanganganak
1st tym mom hehhee..anu expirience nnyo

feb 14 ako kinonfine kasi 1cm na daw, syempre inenduced kasi ako kaya kailangan ko magpaadmit, need na kasi lumabas ni baby kasi kulang ako sa panubigan, every 3hrs iniIE ako tapos sinusuksukan ng primrose every 5hrs-5tablets, sa pekpek para bumuka na cervix ko. feb17, 2cm pa din ako, then mga tanghali, pumutok panubigan ko. then IE IE IE every 2hrs na pero 2cm pa din. Feb 18 saktong 21th birthday ko, 6am inIE ako tapos 4cm na daw ako, 8am naging 6cm na daw, 9am onwards active labor na talaga, yun yung di ko kinaya, contractions and everything. 24hrs walang kain, walang maayos na tulog, walang ligo, walang inom ng tubig jusko!! Umiiyak ako dun habang tumutuwad at nagssquat 9am hanggang 4pm sabay pa ng paninita na wag daw ako umiyak dahil mauubos daw lalo energy ko sa pagire. Di ko sila sinunod, iyak lang ako ng iyak hanggang 4pm inIE nila ulit ako, hanggang sa 8cm na daw, pinasok ulit hangang sa-- 9cm na daw--10cm na daw tapos plus 1 na daw tapos nagkakagulo na silang lahat kasi wala pa OB ko, tinatawagan nila tapos nireready na nila lahat hanggang sa "doc asan ka na po, plus 2 na po siya" tapos tinawagan ulit "plus 3 na po doc nakahook na" biglang dumating yung OB ko, tapos biglang sinabi saakin kapag tumitigas iire ko lang daw, edi ginagawa ko naman. hanggang sa tinurukan ng anesthesia, wala akong maramdaman na non kundi yung paninigas lang tapos pagpatong nila sa tiyan ko kasi kailangan na ilabas si baby agad kasi baka ubos na tubig niya sa loob, 4:20pm nalabas ko siya kaso hirap siyang huminga kasi paubos na talaga yung tubig sa loob, yun yung pinakamahirap para sakin, yung sobrang alaga namin sakanya nung nasa loob siya tapos pagkalabas niya hirap siyang huminga kasi kinulang ako sa tubig, daming nakakabit sakanya pagkagising ko, oxygen, tracker ng heartbeat kasi bumababa siya, minomonitor din paghinga niya, tapos yung iyak niya na parang ang sakit pero mahina na tipo, 7 days kaming tumagal sa hospital after lumabas ni baby, yung pain na nakita ko sakanya sana ako nalang nakaranas para sakanya. Sick baby siya nung lumabas, pero ngayon lakas lakas ng baby ko on her 2nd month and walang complications. 😊💖 Baby Girl 3.7klgs Normal Delivery Delivery at 37-38weeks prior.
Đọc thêm