Scheduled for CS na talaga ako last November 28, 2020.
Wala ako nararamdaman o mas tamang sabihin na ndi ko alam kung anong kailangan maramdaman dahil first timer nga. Basta ang alam ko naninigas yung tiyan ko at nakabukol ang ulo ni ng baby ko sa upper right part ng tummy ko. Unknowingly na naglelabor na pala ako at 4cm na daw ang opening ng cervix ko sabi ng aking OB/Gyne at tama lang daw pala ang napili namin na schedule.
2:00pm nasa OR na ako. Takot na takot pa ako dahil tuturukan ng anesthesia sa spine. Alam kong masakit dahil pinagdaanan ko na yun nung raraspahin ako last 2014 due to miscarriage. Buti na lang mabait at magaling yung anestesiologist pati assistant nya.
Pagkatapos na mailabas si baby, pinatulog na ako para sa completion ng surgery. Nagchill pa ako at tumaas ang blood pressure pero naibalik din naman agad sa normal...
Righy now, nasa hospital pa si baby para tapusin yung antibiotics nya dahil mataas ang WBC nya. Sa wednesday, excited kami dahil makakasama na namin ang product naming mag-asawa.
💜💜💜
#theasianparentph
#1st_timemom #1st_timedad #firstbaby
Anonymous